Holy Mass on the Feast Day
in Honour of Our Lady of La Naval
Homily by Most Rev. Honesto F. Ongtioco, DD
Bishop of Cubao
Santo Domingo Church, Quezon City
13 October 2019
Aming minamahal na Prior, Fr. Ogie
Our dear Parish Priest, Fr. Mhandy
My dear brother Priests, Seminarians, reverend Sisters
My dear people of God
Isang pinagpala’t magandang hapon po sa ating lahat. Paslamatan natin ang Panginoon, tayo’y tinipon bilang kanyang pamilya (applause) upang minsa’y paramdam natin ang pagmamamahal ng ating Mahal na Ina.
So meron tayong kasabihan sa Tagalog “Ang hindi marunong lumingon sa pinangalingan ay hindi makakarating sa kanyang paroroonan.” “He who does not know how to look back where he came from will not reach his destination.” Kaya lagi tayong bumabalik sa nakaraan dahil marami tayoong natutunan sa ating pagninilay, sa pagbalik natin sa ating nakaraan. It has been 357 years ago since the La Naval took place. Malaki ang -marami at maraming katotohanaan ang tinuturo nito, di natin maabot maisip kung papaano yung dalawang barko “Encarnacion” at “Rosario” nakipaglaban sa labing-walong barko ng mga dayuhan, the Dutch forces gusting sumakop sa Pilipinas. Ito ang hinarap ng mga Spanish forces with the Filipinos. 2 ships “Encarnacion” “Rosario” versus 18 ships that were equipped with maybe more powerful weapons. Pero iba ang panlaban ng mga Spanish and filipino forces, hindi lamang tabak, Rosary sa isang kanang kamay, Panalangin at kung may matutunan po tayo sa ating kapanahunan ay ito; anuman ang kalaban natin, hindi kayang talunin, kahit anong gamitin mong sandata; patalim, baril, hindi masusugpo. Tanging sa panalangin lamang maari nating masugpo anuman ang kalaban, kaaway natin ngayon.
Kaya nung after 16 years, 1646 po yung La Naval, yung battle against the Dutch forces and the Spanish and Filipino forces, 16 years, nagpulong sila sa Manila cathedral, kanilang pinagnilayan, pinagmuni-munihan yung nangyari and it was very clear; ito ay kapangyarihan ng Diyos, hindi kapangyarihan ng tao ang nagwagi para mapanatiling ang pananampalataya ng bansang Pilipinas. Kaya ito po ang ating walang sawang binabalikan, ang tagumpay ng Diyos at ito rin ay paalala sa atin; anuman ang ating makakaharap, kung tama ang ating sandata’t panlaban, disposisyon katuladn ng pinakita ni Maria sa kanyang buhay, tiyak na mananalo tayo, magwawagi po tayo, hindi tayo pababayaan ng Diyos.
Kaya piling-pili yung gma ating pagbasa para sa Kapistahan ng ating Mahal na Ina. Yung una po galing kay Profeta Zechariah. Anung sitwasyin ng bansang Israel that time, northern part is Israel, south Judah. Pagkatapos po ito, sila ay dinala bilang alipin sa Babilonia, Nawala ang bansang Israel and Judah, kaya wala silang hinaharap, wala silang future, sagad sila sa kanilang kabuhayan walang-wala pero ang Diyos ay Diyos, hindi niya matitiis ang kanyang bayan naghihirap kaya nagsalita ang Propheta Zechariah sa mga Israelitas “darating ako sa inyo, makikiisa ako sa inyo, makikipamayan ako sa inyo.” This was about 500 years before the birth of Jesus, speaks about the coming Incarnation and when we talk of incarnation again, we can’t but think of Mary, Our Mother for she was used to become the Mother of the Son of God.
Marahil nagiisip po tayo, napakapalad ng ating Mahal na Ina, oo mapalad dahil siya’y napili maging Ina ng Diyos pero natandaan po ba natin nung minsan nangaral si Kristo, makapal yung taong nakapalibot sa kanya, may nagbulong sa kanya “ang iyong Ina, mga pinsan, kamag-anak, narito gusto kang makausap.” Anong sabi niya, hinrap niya yung mga tao, kasi may nagpuri sa kanya, sabi niya “mapalad ang Ina na nagkarga sa iyo” and “Blessed is the woman that bore you, the womb that bore you and the woman that nursed you.” Anong sabi ni Hesus “rather, blessed are they who hear the Word of God and keep it.” Isa lamang ang napiling maging Ina ng Diyos.
Pero mga kapatid, tayong mga deboto, tayong naririto, hangad ng Diyos, maging mapalad tayo, maging banal din tayo at ang ating Mahal na Ina, tinuturuan tayo kung paano tayong maging mapalad. Kaya napakaganda ng ating theme for this year as we celebrate the Year of the Youth “Inang Maria: Kaagapay ng mga kabataan sa kanilang paglalakbay.” Napakahalaga ng isang Ina, hindi lamang siya ang nagluwal ng anak, ngunit siya ay tanda ng pag-asa, sagisag ng lakas kahit na malaki na ang bata, kapag may problema siya laging tunatakbo sa kanyang ina, laging tumatawag sa kanyang ina para magkaroon ng katahimikan sa kanyang kalooban. Kaya itong walang sawa… pero si Maria bilang kaagapay, bilang taong nakikiisa sa ating paglalakbay, siya mismo dumanas ng kahirapan kaya anuman ang kanyang pinakita, pinapakita sa kanyang halimbawa ito’y nagbibigay ng lakas at pagtiyaga sa ating umaasa sa kanya. Hari nawa, lagi tayong lumapit sa ating Mahal na Ina, hindi tayo pababayaan.
Napakahalaga natin kay Hesus, dahil habang siya’y nakabayubay, malapit nang mamatay, tayo pa rin ang kanyang iniisip, inihabilin tayo sa kanyang Mahal na Ina. Isa sa mga pitong wika “Woman, behold your Son” nandoon si Maria, nandoon si San Juan Evangelist and Apostle pero alam natin si San Juan ay tumatayo para sa ating lahat. Kaya nung sinabi “Woman, behold your Son” Mother, Ina iyan ang iyong anak, sinasabi niya, iyan ang iyong mga anak, tayo pa rin ang iniisip ni Hesus habang siya’y naghihirap sa Krus at hinabilin tayo sa kanyang ina para hindi tayo mapariwara parang lagi tayong tumatahak sa landas ng buhay at kabanalan. Hinabilin tayo “Nanay, mahalin mo sila kung papaano moa ko minahal” kaya ramdam natin ang pagmamahal ni Maria kapag tayo ay lumalapit sa kanya.
At pagkatapos nangusap si Hesus sa kanyang Ina, nangusap kay San Juan, nangungusap sa atin si Hesus “Son, behold your Mother” Anak, iyan ang iyong Ina. Magtiwala ka, maniwala ka, maging matiyaga ka, maging mababa ang loob mo kung papano ang kanyang disposiyion sa pagtanggap, sa pakikiisa sa plano ng Diyos. Kaya mga kapatid, tayong lahat ay ginagamit din po ng Diyos bilang daluyan ng kanyang buhay at pagmamahal, nawa’y matuto tayo sa Mahal na Ina to be prayerful, to always have alistening heart, to be humble, to be always totally dependent on God who will fulfil all our dreams. May plano ang Diyos at tayong lahat ay maging malapit sa kanya, maging tunay na bahagi ng kanyang pamilya pero ang tugon mo ay napakahalaga; huwag kang matakot, nandiyan ang ating Mahal na Ina upang gabayan ka, upang ipagdasal ka, upang bigyan ka ng lakas at inspirasyon. Nawa’y maging mahalaga po ng ating buhay, lalo na sa ating pamilya ang pagdarasal. Pagdarasal ng Rosaryo, sa pagninilay sa mga mahahalagang bahagi sa buhay ni Kristo na nagligtas sa atin. Sabi ng ni Fr. Patrick Peyton “the Family that prays together, stays together.” So sana po, huwag natin kalimutan ang Santo Rosaryo, isang paraan upang makapasok tayo sa Puso ni Maria, sa Puso ng Diyos upang makatagpo tayo ng buhay at makamit ang kaligtasan.
Mother Mary, Queen of the Most Holy Rosary, Pray for us, Amen.