Quiapo Church 13 October 2019 – 6am Holy Mass Homily

bandicam 2019-10-13 11-23-39-209.jpg

Holy Mass for the 28th Sunday in Ordinary Time (Year C)

Homily of Msgr. Hernando Coronel, Rector

QUIAPO CHURCH, 13 OCTOBER 2019

Si Kristo ang Hari sa kanya Magpuri.

Si Kristo ang Hari sa kanya Magpuri. Sa ating Ebanghelyo ang Samaritano, ang dayuhang bumalik at nagpasalamat, siya’y nagpuri sa Diyos. Magpasalamat po tayo, magpuri sa Diyos tayo, tumanaw tayo ng utang na loob.

Mabait ang Diyos po kaya lang para bang may kumakalat na pananaw, ito’y para kang “o, humingi ka sa Senor, nakuha mo na yun gusto mo” “o nakuha ko na yung gusto ko eh, sige alis na ako.” Sampu ang nagsabi, may drama pa “Hesus, Panginoon, maawa po kayo sa amin” naawa naman ang Senor, nahabag sa atin ang Senor, pinatawad tayo ng Senor. Nun nakuha na, ilan ang pinagaling, Sampu, ang tanong ng Senor “bakit itong dayuhang ito, taga-labas pa, nasaan ang Siyam?” “nakuha ko na yung gusto ko eh” nakalimutan na “okay na, okay na” hindi na nagpasalamat, maraming hindi nagpasalamat.

Ano ba tingin natin sa Panginoon, meron tayong mapagkukunan? Pagsasamantalahin ba natin ang Diyos? Nakuha mo na yung gusto mo tapos ganon na lang. Minsan -sana lang hindi minsan, gumawa na nga ng mabuti- alam niyo ito, ating idugtong ito kasi mga Ketongin ito, sa ating unang pagbasa, (at) sinabi ni Hesus sa Ebanghelyo kasi matitigas ang ulo ng mga kababayan niya, alalahin niyo noong panahon ni Eliseo, wala sa mga taga-Israel ang pinagaling maliban lang kay Naaman na taga-Syria at dayuhan sapagkat si Naaman, siyang dayuhan, taga-labas nagpasalamat., yung iba kasi imbes na magpasalamat, nagrereklamo pa “eh kulang itong ibinigay mo dapat pa nga dinoble mo” wala nang respeto sa Panginoon, sa nakakatanda, sa mga nanguna “karapatan ko iyan, anak mo ko” “o Father, Pari ka, gawin mo yung tungkulin mo sa akin” parang tingin sa akin ay makina. “maging mabuti ka sa akin, trabaho mo iyan”

Ganyan ba tingin natin sa Senor, makina, walang damdamin, hindi nasasaktan, hindi umiiyak. Tama na, nakonsensya ko na kayo, papaano? Unang pagbasa, ikalawang aklat ng mga Hari, si Naaman, paano tayo magpuri, paano tayo tumanaw ng utang na loob, paano tayo magpasalamat, si Naaman sa labas pa siya, inutusan pa siya “marami namang ilog sa amin, kailangan pa ba sa ilog Jordan” at pitong beses siya lumublob, nagpakumbaba, may kaya siya at alam niyo hindi lamang nawala ang kanyang ketong, ang sabi kung napapansin niyo, ang kutis niya parang kutis bata, hindi yung matanda na siya, hindi ito nagpa kuwan yung skin lifting yung sa mga beauty, talo pa iyon “wala na akong blackheads” kutis -ayan kayo mga balidosa kayo, gusto niyo gumanda, ito yung mukha ninyo, hindi mukhang matanda, mukha ng 18 yearo old o mas bata pa, sanggol. Di ba yung bata “ang cute cute mo” yung pisngi (acts to pich a baby’s cheek) ganon. Natawa kayo gusto niyo ganyan ang mga mukha ninyo di ba, en ngayon kulubot na tayo, ganon. Ano ginawa ni Naaaman, bumalik ang sabi niya -bumalik siya- nagpasalamat sa Diyos “pagdamutan po ninyo ang nakayanan ko” ito nag-alok siya, nagpakababa siya. Hindi mayabang, hindi nagreklamo at kung ano-ano pa ang sinasabi.

Dito naman sa ating -iyan ang magpasalamat- sa ating Ebanghelyo, sasampu, isa! Kahit nga yung Panginoon “nasaan? Di ba Sampu?” alam niyo yung nararamdaman, naghahanap siya “bakit isa lang? Nasaan yung Siyam? Di ba Sampu yung pinagaling ko” anong ginawa nitong nagpasalamat, ito pansinin ninyo nang mapuna ng isa na siya’y magaling na, bumalilk, sumisigaw, nagpapasalamat sa Diyos ‘salamat po, salamat po’. Ang kati-kati, kamot ng kamot ka kung saan-saan, at pag may Ketong ka wala kang Social Life, wala kang friend sa FB, walang like. Ngayon, marami na, maganda ka na, guwapo ka na, para kang artistahin, nagpasalamat sa Diyos at ito po mabigat na Tagalog ito, hindi niyo ito naririnig araw-araw, nagpatirapa siya, hindi lang yumuko, hindi lang lumuhod, tayo’y hirap na hirap nang lumuhod, meron nang atrithis at masakit na dahil mataba na, hirap na hirap na ang tuhod, kain ng kain kasi tayo, kasama na ako doon. Ito’y nagpatirapa, ano ba yung nagpatirapa? Bilang pasasalamat, ito yung buong katawan ang nagpapasalamat “pinagaling ka ng iyong pananampalataya” ito’y tao ng pananampalataya. Sana po mga kapatid ganon tayo, lahat po tayo, itong komunidad ng Nazareno magpasalamat, tumanaw ng utang na loob at magpuri.

Ito po, tula na po ako

Magpuri

Hilig sa Strawberry
Ano ka ba, Gary?
Sino ang may-ari
Naku ika’y yari
Wag kang magkunwari
Maging mapanuri
Ingat sa mangyayari
Biyaheng Lagari.
Si Kristo ang Hari
S’ya pa rin ang Pari
Likha’y bawat uri
Gawa’y sari-sari
Bawat maaari
Sa kanyang daliri
Magandang pang-uri
Kay Hesus, Magpuri.

Magpuri, ispelengin natin ang Magpuri
M-A-G-P-U-R-I

Magpasalamat;
Awit ng Luwalhati;
Gumagalang sa kanyang ngalan;
Pagsamba sa Diyos;
Utang na loob itanaw;
Respeto sa Poon; at huling letra po
Ingatan ang kaluluwa

Sa tulong ni Maria, ngayong ikalabing tatlo ng Oktubre, binabilakan natin ang Aparisyon ng Mahal na Birhen ng Fatima, magdasal po tayo ng Santo Rosaryo ngayong buwan ng Oktubre sapagkat “the Family that Prays together” (crowd replies “stays together”).

Sa tulong po ni Maria at ni San Jose, nawa’y tayo ay magpuri, tumanaw ng utang na loob at laging magpasalamat asa ating Nuestro Padre Jesus Nazareno. Amen.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s