Holy Mass for the 27th Saturday in Ordinary Time
Homily of Fr. Paul Medina, OCarm
QUIAPO CHURCH, 12 OCTOBER 2019
Magandang umaga po mga kapatid ko kay Kristo.
May kasabihan na kung ano ang ang mga magulang, ganon din ang kanilang mga supling. Kung ano ang ugali, kung ano ang buhay na isinasabuhay ng isang bata, ay nakukuha niya sa kanyang mga magulang. Kung minsan sinasabi pa, ang tatay ay nagbibigay ng ugali sa kanyang anak at ang kanyang anak ay ‘Carbon copy’ ng kanyang tatay. At maaring ganito, kaya kung mayroong napakabuti na mga mamayanan, salamat sa mga magulang na humubog sa mga mabubuti nilang mga anak. Kapag mayroong mga pasaway na mga mamayan, kalimutan na lang ng mga magulang na sila’y mga magulang sapagkat sila’y iresponsable at hindi nila nahubog ng mabuti ang kanilang mga anak, sapagkat ang pinakaunang mga guro sa mga anak ay ang mga magulang.
Sa ganitong konteksto, atin pong tignan ang ating mga pagbasa ngayon. Ang ating pagbasa sa Ebanghelyo ay mula sa Ebanghelyo ni San Lukas kabanata 11, talata 27 hanggang 28, napaiksi ngunit malaman na angkop para sa ating buhay. Mayroong isang babae na ayon sa legend, itong babaeng ito ay nanay ng isa sa mga naipako sa kanang bahagi ng ating Panginoong Hesus na ito yung tinatawag na ‘ang mabuting naipako’ na sinabi ng Panginoong Hesus na “mula ngayon, isasama na kita sa paraiso.” At itong nanay na ito, tagasunod ng ating Panginoon at kanya pong nakikita sa ating Panginoon ang mga kagandahang loob, ang kabutihang ginagawa, kaya nakikita niya na ang papel na ginagampan ng nanay ng Panginoong Hesus, ang Ina. Kaya sinasabi noya “mapalad ang babaeng nagdadala sa inyo sa kanyang sinapupunan at nagpasuso sa inyo.” Mapalad dahil hangang-hanga ang lahat ng mga tao sa ginagawa na kabutihan ng Panginoong Hesus. Sa mga pagtuturo na napakalalim at napakaganda at ang mga talinhaga na siyang nagiging inspirasyon para sa karamihan na walang ibang mabigyan ng pagpupugay ang nanay, ang ina ng ating Pangionoong Hesus, si Santa Maria. Kaya kung ating pong tingnan kung ano ang nangyayari sa sambayanan, iyan ay dahil sa mga magulang.
Sa atin pong unang pagbasa na mula sa Aklat ni Propeta Joel kabanata 4, talata 12 hanggang 21, ang mga tao sa panahoon ni Propeta Joel, napakasama na, nakalimutan na nila ang tipan na ginawa ng Diyos na si Yahweh at ang kanyang bayang hinirang na Israel, kaya dito pinaalahanan sila ng Diyos na si Yahweh sa pamamagitan ng mga hula ni Propeta Joel na mayroon nang panahon ng Anihan, panahon ng Panginoong Diyos na magkaroon na ng pagbaabgo at yung mga nabubuhay sa katiwalian ay aanihin at para silang pinipitas na ubas na pinipisa, pero ang mga matuwid ay dadalhin sa Sion, ano po yung Sion? Sion isa pong pook na ibang pangalan sa Herusalem, pook ng ‘Spiritual Jerusalem’ na ibig sabihin pook na ligtas, pook na ipinangako ng Diyos na kung saan wala na pong nagtatagngis, wala na pong naghihirap sapagkat sila’y iniligtas ng Panginoong Diyos na si Yahweh. At dahil doon, sinasabi na yung mga masama ay magkaroon ng mga paghihirap na kagaya ng pagbabago ng mundo, may kadiliman, magiiba ang daloy ng mga planeta at ibapa na ibig sabihin ang mga pangyayari sa kalikasan ay mga babala sa mga gumagawa ng masama na sana’y kanila pong alalahanon ang mga ginagawa ng kanilang mga ninuno, ng kanilang mga magulang noong-noon pa na nabubuhay ayon sa kalooban ng Diyos, salamat sa gabay ni Moises at ni Aaron at iba pang mga propeta na gumagabay sa kanila.
Pero yung mga nakalimot na, lalo na namunuan sa bayan ng Israel na nagiging mamamatay-tao, nagiging ganid at nag-lustay sa kayamanan ng bayan at naglapastangan sa pangalan ng Diyos, laging nagmumura, nagpapahayag ng huwad na mga salita at mga masama na mga adhikain at gawa, sila’y mapaparusahan sapagkat ang mga masunurin lang ay magkaroon ng kaligtasan ayon pa sa Salmo 96 na ating napakinggan ngayon “magagalak ang mga masunurin na naging matapat sa Panginoon, sapagkat ang kaligtasang tunay ay mapasakanila”
Ang mga pagbasa ngayon ay para din sa atin, para sa mga magulang o dili kaya yung mga tumatayo na mga nagiging magulang ng kabataan. Kumusta na inyong misyon, kumusta na ang inyong bokasyon sa paghubog ng inyong mga kabataan. Ang pagtuturo ba, ang paghubog ba sa kanila, ang pag-gabay ba sa kanila, ayon ba sa kalooban ng Diyos at ayon ba sa mga Salita ng Diyos o sa Ebanghelyo ng ating Poong Hesus Nazareno o dili kaya kayo ay pabaya na, pinabayaan ninyo ang inyong mga anak na ayon pa sa Erickson survey, ang mga kabataan ngayon ay nagkaroon ng pag-gabay ng mga bagong magulang, ang kanilang mga magulang ay ang Social Media. Ano po yung Social Media? Yun ang telebisiyon, yun ang internet, yun yung makikita sa Cellphone. Baka ang gumagabay na sa inyong mga anak ay yung mga programa at kung ano-anong pinapahayg sa telebisyon, mga teleserye o kaya kanilang idododwnload sa internet at msayang masaya sila sa ‘pulang manok’ o dili kaya sa ‘pulang hotel’ dahil nasayang ang ipanadala sa kanyang misis at yung ang kasiyahan nila, hindi na ang tungkol sa “ano ba yung Ebanghelyo araw-araw?” iyun ba ang napahayag niyo sa inyong mga anak na pag-uwi sa bahay, alam niyo na ito yung mensahe sa araw na ito, ito yung galing kay Propeta Joel, ito yung tinuturo sa ating Ebanghelyo ni San Lukas kapitulo 11 na sinabi ng Panginoong Hesus “mapalad ang mga mabubuhay at sumusunod sa Salita ng Diyos sapagkat sila ay magkaroon ng buhay na ganap at ikasiya-siya.”
Mga kapatid ko, hindi naman siguro ito pang-konsensya sa inyo, paalala lang po. Nagbabasa ba kayo ng Bibliya araw-araw? Kung kayo ay magsimba araw-araw sa tatlong taon, nabasa niyo na po ang buong Bibliya sapagkat lahat ng aklat ng Bibliya ay pinag-divide po iyan, pinagportion araw-araw kaya tuloy-tuloy po ang mga bahagi ng Bibliya kapagka araw-araw kayo nagsisimba, nakikinig sa mga pagbasa, buong Bibliya pagkatapos ng tatlong taon, nababasa na po ninyo. Pero mas maganda pa rin na kayo mismo ang magbasa sa Bibliya, magnilay-nilay sa Salita ng Diyos at kung paano ito isabuhay at kung paano ito’y ibahagi sa inyong mga anak, sa inyong mga kasambahay upang makikita ninyo paano maging tunay na Kristiyano na tumatalima sa kalooban ng Diyos.