Seventh Day Novena to Our Lady of La Naval – 10 October 2019

bandicam 2019-10-10 23-29-13-431.jpg

Holy Mass on the Seventh Day
of the Novena
in Honour of Our Lady of La Naval

Homily by Rev. Fr. Albert Alejo, SJ

Santo Domingo Church, Quezon City
10 October 2019

Muli po magandang gabi sa inyong lahat, good evening.

Nabanggit ko kanina na galing ako sa Obando, naka-punta na ba kayo sa Obando? Yung nagsasayaw para magkaanak, pwede rin hong humingi ng asawa pero pag mali ang hindot, diretso anak. Pero minsan po nung semenarista ako, sumayaw talaga ako, nung dati po para akong turista pero nung semenarista ako sabi ko “sasama ako sa mga kababayan ko. Santa Clara pinong-pino.” Nung una ho parang tourist attraction lang iyon, full of colors, dancing, festive but then later on when I joined my people, I realised it was a really spiritual experience. Kapag pala sumayaw ka doon, sumasayaw sa tugtog ng para kay Maria, kay Santa Clara, sa mga Santo nagkakaroon ka ng malalim na insight, malalim na pagninilay.

Kaya po sa gabing ito, inaanyayahan po kayo na pagnilayan natin itong tinatawag na pagninilay. Ayun, I like to invite you to reflect on this thing called Reflection and in the Gospel, we see Mary and Joseph receiving the shehpherds, yung si Mary po dinalaw ng mga PAstol sinasabi “Mahal na Ina, may sinabi po sa amin yung mga Anghel” anong sinabi ng mga Anghel na dito daw po isislang ang Mesiyas.” Isipin mo iyon, si Maria andodoon sa sabsaban, dinalaw ng anghel may binalita, tapos dumating naman ang mga pastol, may binalita din, pinagisip-isipan daw niya ito and according to the Gospel, Mary gathered all these news reports, Mary picked up what the Angels said, what the shepherds said. Naalala rin nya si St. Joseph may kinuwento rin sa kanya. Pag tinitingnan niya yung bata, anong laking hiwaga, kaya ho sabi dito sa Ebanghelyo nang marinig ito ni Maria, lahat ng mga kuwento ng pastol, ng mga anghel ni Maria, itinanim niya ito sa kanyang puso, kinupkop, inalagaan dito sa kanyang kalooban at anong ginawa niya, at kanyang pinagnilay-nilayan.

Mary gathered all these stories, these words and she put them in her hear, kept them deep within her heart and reflected on them. And so, for this evening, I’d like to highlight this Mary that is seldom reflected on. Marami po tayong matutunan tungkol kay Maria, she is a woman of Faith, she loved her family, pure, chaste but in this evening, I’d like to highlight Mary, the mother and teacher of reflection. Si Maria bilang ina ng pagninilay.

Anong kahalagahan po nito, siguro una gusto kong i-check ko sa inyo kung tama ba ang pagtingin ko. Yung mundo natin ngaon ay napaka gulo, tama? Masyadong maingay, maraming nagsasalita, maraming kung ano-ano ang mga binabalita, kung minsan hiwa-hiwalay, kung minsan hindi magkakatugma kaya kahot sa panahon ngayon ng Telecommunication, may internet, we’re bombarded with so much information, ironically this period of ours is a period of confusion. Ngayon pa naman na maraming sources of knowledge, marami kang inpormasyon, dati nung bata ka wala kaming library sa public school, ngayon meron nang internet, may google at tanong-tanong mo, maraming television channels. Nung bata ako, isa o dalawa lang, Popeye, Fernando Poe, ngayon sa skylight, sa skytable, 200 channels, palipat-lipat. Ang daming dyaryo, ang daming libro, ang daming bookstore, bakit sa ngayon na maraming mga pagkukuhanan ng impormasyon, ba’t lalo pa tayong nalilito, ang daming dumadaing sa aking “Father, hindi ko na malaman kung ano yung totoo.” Hindi na malaman kung sinong paniniwalaan, masyadong maingay ang mundo.

Kaya siguro po sa pagkakataong ito, babalik tayo kay Mary. Anong ginawa ni Maria nung nakarinig siya ng balita, maraming sinasabi, meron galing sa taas mga anghel, meron galing sa mga mababa Pastol, anong ginawa niya, inipon niya ito at pinagisip-isipan. Si Maria po ay ina at modelo, guro ng pag-iisipisip, ng pagninolaynilay, ng pagbubulaybulay, ng reflection. Tatanong ho siguro natin ano-ano ba yung katangian nitong malalim na pagninilay na sa ngayon po sa gitna ng kababaan ay kulang na kulang. Siguro po yung una, bahagi po ng pagninilay yung aktibong pananahimik. Naku, mahirap iyan [laughs] paggising mo pa lang sa umaga, bukas mo ang radio, bukas ang TV, paglabas mo humaharurot ang mga sasakyan, maraming balitaktakan, debate nang debate tungkol sa relihiyon sa TV, magulo po.

Ano ang solusyon, ang solusyon po ng iba ay magearphone. Makikita niyo po maraming kabataan kahit naglalakad sa Pedestrian, naka-earphone para ano po, para po yung ingay ay tapalan ng isa pang ingay. Meron naman pong napakadaldal, sasabihin mo “ssshhht! Huwag kayong maingay” meron namang susutsot “ssshhht! Huwag kang sigaw nang sigaw” pareho na kayong maingay. Meron naman pong nagmumura, mura ng mura, pagkababastos ng pananalita, anong gagawin mo sa nagmumura, sa bumubusina, bubusinaan mo ron, anong gagawin mo sa nagmumura, mumurahin mo rin. Eh pareho na kayong mumurahin.

Dito sa ganitong panahon, kailangan po sa pagninilay na turo din ni Maria, ay pananahimik. In this period of so much noise, conflicting stories, all kinds of sounds, there is a call to an active silencing. Huwag na tayong dumagdag sa ingay ng mundo. Ang problema po, hindi tayo makatiis na kapag maingay, hindi natin sawayin at tayo rin po ay dumadagdag sa busina, sa pagsigaw-sigaw. Yun po siguro ang isang hinihiling, pananahimik.

Puwede ba tayong tumahimik ngayon, hinga ng malalim. Alam niyo kapag -ang nangyayari po kasi, may ingay sa labas at may ingay sa kalooban. Ang panawagan po ni Mary ay tumahimik upang mapakinggan natin pati ang mga tahimik na bulong, ng umiiyak na bata, para mapakinggan natin ang huni ng ibon. Bihira na ngayon iyan. Pananahimik upang marinig natin mismo ang ating paghinga na tayo din ay buhay. Kung magulo tayo, hindi natin maririnig ang payo ng magulang baka hindi rin natin marinig ang daing ng ating mga anak.

Kailangan lang bang tumahimik, mahalagang tumahimik upang makapagmasid tayo sa paligid. Kung lagi tayong nagseselfie, ang kinukunan lang natin sarili natin [laughs] katatawanan ano, ang ganda ng view tapos tatakpan ang nakita yung mukha mo rin, hindi natin nakikita ang sa paligid. Ngayon, kailangan bang huminto tayo sa pakikinig, sa pagsagap ng mga balita, kulan grin po iyan, kailangan din po nating mag-suri. Alin dito sa mga nariring ko, alin dito sa mga sinasabi sa akin, alin dito sa mga pinopost sa Facebook, sa Twitter, sa Instagram, sa e-mail alin dito ang totoo. Siguro mayroon nang ibang mga nagsabi, pati ang Catholic Bishops Conference ang sabi “mag-ingat, icheck kung sino ang nagupload, may karapatan ba yan, baka puro avatar, walang totoong pangalan, walang paninindigan. Meron bang source siya ng official report.”

Malaki po ang tukso na hindi napag-isipan, hindi mo pa tapos basahin, ishinishare na. yung iba po, hanggang ngayon, marami akong natatanggap pati sa mga madasalin; “hoy, magugunaw na ang mundo, please pass” “merong milagro dito, pag hindi mo ito pinasa, magkakaroon ng sakuna sa buhay mo. please pass.” Pwede bang hanggang ngayon, wala na yung mga ganyan-ganyan, nagpapaniwala din “you won in the Lotto” hindi ka naman tumaya, paano ka mananalo. Ba’t hindi ho natin -naloloko pa rin po tayo hanggang sa ngayon at sa ngayon po, maraming mga balita, mga trolls, mga bayaran para tayo ay lokohin. Kayapo bahagi ng pagninilay ay pagsagap ng mga balita, subalit bahagi rin po rito ay ang pagsusuri, magtanong, magusisa, magkumpara, mag double-check, magkonsulta.

Pero kailang humihinto ba tayo dapat sa pagsusuri, hindi po, ang pagninilay ay nagsisimula sa pagkuha ng maga balita at pagsusuri, pagtatanong subalit dapat po umabot din tayo sa paninindigan. Anong ibig sabihin non, sa aking pagsusuri iyan mali talaga iyan. iyan labag iyan sa Bibliya. iyan makakristiyano, iyan, hindi iyan makatao. Iyan labag iyan sa pagmamalsakit ng pagka-Pilipino. Magandang pong umabot tayo hindi lang yung maguguluhan ka kundi dapat hanapin ang antas na hindi ka na maguluhan, makapanindigan ka na ito mali na talaga iyan. Ito yung tama, ito makakristiyano iyan, ito hindi maka-Pilipino, ito labag iyan sa batas. Yung isa, iyan ang naayon sa batas.

Kaya dito sa punto na ito ng pagninilay, kailangan natin ng pamantayan, kaya nga tayo nagbabasa ng Bibliya para gawing pamantayan. Kaya tayo humihingi ng aral sa Simbahan, sa mga guro para mayroon tayong batayan sa paghusga. At kapag nalikom na natin ito, diyan natin masasabi “kapag pinaniwalaan ko ba ito, malalapit ba ako sa Diyos o mapapalayo?” ito bang pagsaludo ko sa ganitong makapangyarihan, nakakapaglapit ba sa akin sa Diyos o nakapagpalayo?. Iyun po isang -dapat tong umabot po doon at galing po dito sa ganitong lalim ng pagninilay, tumitibay po ang ating pagkilos.

Alam niyo, dito ako bilib kay Maria, malalim ang kanyang pagninilay kaya nga po nung ang kanyang anak ay nagpasan sa krus, ipinako sa krus, sino ang naiwan sa paanan ni Hesus, si Maria at yun iba pang mga baabe, bakit dahil malalim ang kanilang pagninilay, tumibay ang kanilang pagkilos. hindi pupwedeng basta marmaing balita, nalilito ako, pero hindi mo ginagawan ng paraan para matanggal ang pagkalito. Hindi namang puwedeng nalaman mo ang totoo at ang tama, hindi mo naman gagwin ang tama ayon sa totoo. Nalulungkot po ako sa dinami-dami natin, kulang po ang pag-aksyon laban sa masasama. At dito po pagka tumibay at lumalim ang pagninilay titibay ang pagkilos at maya-maya, diyan lilitaw ang mga saksi, ang mga misyonero, ang mga tagapagpahayag, ang mga truthteller, ang mga whistleblowers, ang mga preachers. Dito po titibay kasi pinagisipan mo nang malalim, titibay ngayon ang iyong paninindiga. Saludo po ako sa mga taong may alam sa totoo at hindi natatakot lumantad. Naawa ako sa mga taong nabubuhay sa takot at pagkalito.

Ngayon bilang dagdag po, gusto kong dagdagan ang pagninilay na ito, hindi na po galing sa Ebanghelyo kundi galing sa Salmo Responsoryo. Anong Salmo Responsoryo “and the Word was made Flesh” iyun pong salita bilang Diyos na salita ay nasumaloob kay Maria. Dito ko ipapasok sa pagninilay po, sa pagsusuri, sa paninindigan, anong ginagamit natin? Ginagamit sa pagsasalaysay, sa pagbabalita, sa pagsusuri, sa pagpapahayag ng totoo, ano ang ignagamit natin, ang salita. Kaya nga po nang ang Diyos ay magkatawang-tao, siya po ay nagpakilala bilang salita sapagkat napakahalaga po ng salita.

Kalimutan niyo na po ako, huwag lang nating kalimutan ito, ang lipunang walang pag-galang sa salita, wala ring paggalang sa mga panunumpa. Ang lipunang walang galang sa panunumpa, wala ring paggalang sa mga lagda, sa mga pirma “Father naman, masyadong kang korny, hindi na uso yan” yung pagseryoso sa mga pirma, Jose Velarde diba. Manunumpa sa harap ng Camera, sa Senado to tell the truth and nothing but the truth, except when I forget. Manunumpa na magsasabi ng totoo, pero iyun pala magsisinungaling. Ang mga witness pinapanumpa na magsabi ng totoo pero yung mga nagtatanong na Senador hindi nanumpa na ang pagtatanong nila ay para hanapin ang totoo. Nalulungkot po ako kapag hindi tayo natuto sa paggalang sa salita “pareho na rin iyon, salita lang naman iyan.”

Laganap ngayon ang pagsalaula at pagalipusta sa salita,
Uso ngayon ang pagmumura, pambabastos, pandaraya,
Pinapalakpakan pa ang pagbibiro ng malaswa,
Sinasaluduhan ang puno na puno ng salitang masagwa,
Pinalalampas ang pagkutya sa simbahan at maging sa maylikha,
Ipinapakalat ang kasinungalingan at baluktot na pagbabalita,
Binabasbasan ang sumusunod sa utos ng pagpuksa lalo na sa dukha,
Tinatabunan ng karatulang bangkay upang hindi magmukhang kapwa,
Pinatatahimik ang mga nagsusuri at ang mga nag-iisip ng malaya,
Ibinabasura ang batas, nagpapauto sa dikta ng ibang bansa,
Iniiwasan ang talakayang malalim, iniiba ang paksa,
Ginagawang palusot ang paggamit ng mag talinghaga, ang salita,
Ang salitang nakakabit sa totoo ay sinasalaula,
Ang daya-daya.

Bakit ko pinagdidiinan ito sapagkat si Maria po ay nakinig sa salita ng Diyos at tayo naman po ay nakikinig sa kanya pero ang tanong ko, paano mong masasabing nakikinig ka sa Salita ng Diyos, kung ang salita ng tao ay iyong sinasalaula? Kapag sinasabi nating salita lang, biro lang, talinhaga lang iyan, balita lang iyan. Kapag nasanay tayo na walang paggalang sa salita, tayo mismo ay mandaraya, magsisinungaling at kapag hindi po tayo natutong gumalang sa salita na nakakabit sa totoo, hindi po tayo makapagmamagaling at tayo po ay nakikinig sa Salita ng Diyos.

Ulitin ko na lang po bilang panghuli at palagay ko ito’y leksyon magmula kay Maria, ang Salita ay nagkatawang tao at naging kapwa, kailangan ng pagninilay, kailangan ng paggalaw ng diwa subalit sa lahat ng ito, kailangan ay malalim na paggalang sa salita. Paano mong masasabi na nakikinig ka sa Salita ng Diyos, kung hindi ka marunong gumalang sa salita ng tao.

Tumahimik po tayo ng sandali. Mahal na Ina, turuan mo kaming magnilay, turuan mo kaming magsuri, turuan mo kaming hanapin ang totoo at harapin ang katotohanan, turuan mo kaming gawin ang tama at sa lahat ng ito, ituro mo sa amin ang malalim na paggalang sa salita.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s