Quiapo Church 10 October 2019 – 6am Holy Mass Homily

bandicam 2019-10-10 11-35-48-411

Holy Mass for the 27th Thursday in Ordinary Time

Homily of Msgr. Hernando Coronel, Rector

QUIAPO CHURCH, 10 OCTOBER 2019

Paalala po, tuparin po natin ang kalooban ng Panginoon sa ating pangaraw-araw na buhay.

Pagnilayin po natin, unang pagbasa po natin may bago tayong aklat, Propeta Malakias. Nagsisimula tayo sa panibagong libro. Alam ko po si Propetang Malakias ay -yung hindi ito yung bantog na Propeta, bihirang bihira po na pmapakinggan natin o mabasa ang kanyang sinulat, ano ang gusto niyang sabihin  sa atin, ito na yung pagkakataon niya. Propeta Malakias, ano ang gusto mong sabihin sa amin, ano ang sinasabi ng Diyos sa pamamagitan mo, ito ang sabi niya… nung siya’y propeta, minamaliit siya, ang sabi ng mga palalo “ba’t kami makinig sa iyo? Ba’t kami magsisisi sa aming mga kasalanan? Kaming mga palalo kita mo, kami pa ang namamayagpag, bakit tinatamaan ba kami ng kidlat? Kami pang mga palalo ang mga mayayaman. O ikaw anong nangyari sa buhay mo? wala.”

Ano ang sabi ng Panginoon sa pamamagitan ng itong Propetang hindi gaano tanyag “magsisi kayo, darating ang araw, araw ng katarungan, kayong mga palalo, parurusahan kayo.” Hindi niyo alam siguro kung ano ang dayami, yung sa probinsya iyon “masusunog kayo, lilipulin kayo at tutupukin kayo, susunugin kagaya ng dayami”… eh papaano yung mga mapagkumbaba  yung mga sumusunod sa Panginoon, “gagantimpalaan sila at itong larawan ang kanilang mukha, katulad ng sinag ng araw.” Unang pagbasa iyon, huwag niyong kalimutan, bihira lang magsalita sa atin si Propeta Malakias.

Ebanghelyo natin ayon kay San Lukas, magpumilit tayo, maging makulit kayo sa Panginoon. Pagpasensyahan niyo po kami sa Simbahan kung medyo, ako, lalo na ako, humihingi ako ng paumanhin sa inyo kung magiging masungit, minsan sabi ko “hatinggabi na, meron akong panahon ng tahimik” nandon ako sa aking opisina, hatinggabi na, naghahanda ako para sa aking ‘desertation’ naku dumating pa mula sa malayong probinsya yung galing sa Replica Procession, pilgrimage, ang dami nila, hatinggabi iyon. Una namuna, gusto kong maging mausngit, isa namang pagkakataon, walang alas-4 ng madaling araw nag-aaral ako sa opisina ko, wala sigurong istorbo, naku ganon din “Monsignor,’ ang dami din Monsignor! Mayroong mga galing dito malayo pang probinsya sa kanilang Replica Pilgrimage” ang dami din. Pagpasensyahan kami’y sa Simbahan mga tao din kami, may mga problema din kami katulad ninyo, kailangan di naming matulog, inaantok din kami -huwag mo akong tulugan sa Misa, Wally- inaantok din kami, tao kami. Huwag niyo namang “alagad ka ng Diyos” susubukan namin.

Ganito, mabalik tayo. Dahil sa syempre magdadasal kami “Panginoon, tulungan mo naman akong maglingkod, instrumento.” Sabi ng Diyos “humingi kayo at kayo’y bibigyan, kumatok kayo at ang pinto’y bubuksan para sa inyo at sa mga hihingi sa inyo, hindi ipagkakait, hindi maramot ang Panignoon” ibibigay niya ang Espiritu Santo sa mga humihingi. Ano ba yung Espiritu Santo? Iyan ang Espiritu ng Ama at ng Anak, iyan ang Espiritu ng pag-ibig, iyan ang pinakamagandang regalo, ang diwa ng pag-ibig sa mga humihingi. Pagnilayan po natin ito.

Sa tulong ni Maria, buwan ng Santo Rosario ngyon “The family that prays together, stays together” ang pamilyang nagdarasal ng sama-sama, mananatiling sama-sama. Kasama ni Maria at ni San Jose, nawa tayo’y gampanan po natin ang kalooban ng Senor. Amen.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s