Sixth Day Novena to Our Lady of La Naval – 9 October 2019

bandicam 2019-10-10 01-27-43-371.jpg

Holy Mass on the Sixth Day
of the Novena
in Honour of Our Lady of La Naval

Homily by Rev. Fr. Romulo Rodriguez, OP

Santo Domingo Church, Quezon City
9 October 2019

Mga kaibigan, sinasabing “when God guides, he provides” hindi maitatanggi na hindi pabaya ang ating Diyos, hindi siya pabaya sa katunayan sa katanungan ni Gary V. sa kanyang awitin (sings) “Natutuloig ba ang Diyos? Natutulog ba?” sa kanyang tanong, noon pa man, may sagot na ang Simbahan, hindi natutulog ang Diyos, hindi nagpapabaya sa katunayan one of the images used by the Church para ipakilala ang ating simbahan sa mga galing ng Probisnya, marahil nakikita niyo ang isang mata nakadilat, hindi nakapikit, nakadilat na nasa loob ng isang triangulo, your familiar with that kind of imagery, isang matang dilat nasa triangulo, ipinakikilala ang Diyos parang isang CCTV. The lord of the past, the present and the future, nakikita iya ang lahat ng bagay but he is not a distant God kagaya ng pananaw ni Bette Midler sa kanyang awiting “God is watching us from a distance” not from a distance, madaling mauunawan ang Pinoy bakit? Sapagkat ang Pinoy, ang langit malalami ang kaugnayan ng langit at Diyos at yung langit yun yung ating mga mahal sa buhay.

Pansinin niyo sa ating awiting Lupang Hinirang “Buhay ay langit sa piling mo” ang langit ay sa piling ng ating minamahal kaya nga ba’t hindi pabaya ang ating Diyos at mapapansin naman natin iyan, even in the book of Creation. Pansinin niyo sa Genesis, Yahweh -anong unang nilikha ni Yahweh sa unang araw? Let there be light, iyan ang una niyang nilikha, see how logical our God is, ang una niyang nilikha ay ang Liwanag, hindi muna ang tao. Can you imagine kung unang nilikha ni Yahweh ay si Adan, walang liwanag, aba’y siya’y matitisod, hindi niya alam kung saan siya pupunta, mag-isa lamang siya pagkadilim-dilim, very logical ano? Syempre pa mag-isa, madilim can you imagine pagkatpos ni Adan, nariyan si Eba, walang liwanag, extremely dadami ang tao sapagkat madilim, magkakatisod-tisod itong dalawa dalawang iyan, mabubungo puro bukol sina Adan at eba but our God as a providential God and as a provident God, very logical, liwanag, ang tubig sa lupa, vegetation, ang mga isda, lahat ng kahayupan and when God created everything he said “and that is good” sapagkat kailangan nang likhain ang tao, may makakain ang tao, that is something very important.

Alam niyo po ako po’y 24 years na akong Pari at lagi kong sinasabi sa mga dalaga na naririto o kaya mga balo na tumatanggap ng suitors “Hindi sapat ang pag-ibig na wagas, kailangan din ng Bigas” believe me, Hindi sapat ang pag-ibig na wagas aba eh kailangan din ng bigas sapagkat pag walang bigas, manigas. Totoo naman iyan, sapagkat as a Priest I would always tell sa mga mag-aasawa, sa mga may asawa nandito magsisimula na ng pamilya, those who are building their families, ang aking panuntunan “if you have the genes, if you have the means be generous with life” they go together huwag kakalimutan “if you have the genes, if you have the means be generous with life” hinde pwede ang puro genes, walang namang means, alam niyo iyan ng may maraming dyang mga anak magugutom, ayan kasalanan, turo ni Sto. Tomas kabit-kabit, magugutom, matututo eventually mangungupit. Hindi puwedeng puro genes, wala namang means.

Inversely, pasensya na, hindi rin puwedeng puro means kung wala naming genes, dadami ang panget. And they go together, genes and their means and that is the kind that we have very providential, alam niya ang ibibigay niya, alam ang need ng tao. At pansinin ninyo, sa bayan ng Israel nang magkasala si Adan at si Eba, he knew what to do, saan papasok si Maria? right from the very start, nang magkasala si Adan at si Eba’t isinara ang Paraiso ng Eden, naroon ang pangako ng “Toto Evangelium” the first Gospel of salvation, nang ang ulupong, the Serpent na nanloko kay Adan at Eba, anong sinabi ni Yahweh sa Serpent “I shall put enemity between you and the woman, the offspring and her offspring” it was alluding to Mary, kaya pamilyar kayo sa Immaculate Conception anong tinatapakan sap aa ng Immaculate Conception yung ulupong why, spagkat naroon ang pangako ng Diyos na magkasala ang tao ang kanyang pagkalinga sa sangkatauhan, spagkat ipangangak ang ating Panginoong Hesus. The Prophets, the judges, the King, lahat ng mga character na pinapasabi sa Old testament, these are not isolated stories, these are all prefiguration, ipinakikilala si Hesus upang ipaalam ang pagmamamhal ng Diyos sa tao.

Moses, he is a law giver, Joshua the liberator, ipinakikilala si Hesus bilang law giver, ipinakikilala si Hesus bilang liberator. King David, ipinakikilala si Hesus bilang isang Hari. And your familiar with the story of Jonah, nasa Balyena, speaks about the Resurrection of Jesus. Lahat patungkol para kay Hesus kaya inalagaan ng ating Panginoon ang bayan ng Isarel, totoo naman. Pamilyar kayo sa kuwento ng Prince of Egypt, ang paglayas at pag-alis ng mga Israelites sa Egypt, ang pagbukas ng Dagat, pansinin niyo nung naglalakad ang bayan ng Israel kapag naiinitan anong ginawa ni Yahweh dahil mahal niya ang bayan ng Israel, nilagyan ng ulap. Nung pagkadilim-dilim ng kanilang paglalakad para makapunta sa promised land ang dilim, lumabas ang mga bituin. Nagutom ang bayan ng Israel, umulan ng Manna. Nagsawa ang bayan ng Israel sa Manna, dumating ang mag Pugo. Special ano? Napakaspecial ng bayan ng Israel sapagktat diyan ipanganganak ang ating Panginoong Hesus sa lipi ng bayan ng Israel. And sometimes naisip nga ako, paano kaya kung si Hesus naging isang Pinoy? See how Jesus, how Yahweh plays favourite, God plays favourites, eh natanggap ko na ho iyan, totoo naman siguro na ang pag-ibig hindi pantay-pantay pero mahal tayo, hindi pantay-pantay ang larangan ng pagmamahal sapagkat sa mga anak na naririto, hindi naman kayo papayag kung gaano kamahal ng tatay ninyo ang nanay ninyo, ganon din ang labandera ninyo. Payag ba kayo kung pantay-pantay ang pagmamahal, kung gaano kamahal ng tatay ninyo ang nanay ninyo ganon din ang yaya o kung gaano kamahal ng nanay ninyo ang tatayo ninyo, ganon din ang hardinero ninyo, ang drayber ninyo may grado.

And look at Israel, ganon espesyal.  Spieldberg, Barbara Streisand, Albert Einstein, yung mga napunta na dito sa Israel, hahanga talaga kayo sa bayan ng Israel sapgakat maniwala kayo disyerto iyan, may Saging, may Banana plantation, may Manga, see how brilliant ang bayan ng Israel. Nariyan ang kalinga ng Diyos, ang bayan ng Israel. So ba’t sinasabi ang bayan ng Israel – kung iyan ang bayan ng Israel, ang ating Simbahan, ang bagong Israel. The Chruch is the new Israel. Iyan ang Israel nung una, Old Testament but the New Israel ang ating Simbahan, nasaan si Maria sa Simbahang ating ginagalwan? Huwga kakalimutan, the birthday of the Church ay ang Pentecost, nang si Maria ay  nagsabing Fiat, naroon ang kanyang role, noong nakabayubay sa Krus “Woman, behild your son. Son, behold your Mother” at during Pentecost, the birthday of the Churhc, narron ang mga Apostoles, naroon si Maria that’s why she was given the title Mother of the Church, Mother of God at hindi naman maitatanggi kung paano inilagaan ng Diyos ang bayan, ang ating Simbahan.

Ako po ay 52 years old na, anyone here who is a 80 years old and above. Eh baka hindi ako narinig [says it louder] anyone here who is a 80 years old and above. Oh marami, alam mob a yung aming Pari sa likod ay 82 na, Fr. Alarcon. Ang pinakamatanda po naming buhay na Pari, 99. If we got to admire ang inyong katabi na “wow, ang ganda ng -ilang taon na” if we got to admire people, survivor, aba ilang taon na ang ating Simbahan. Kung ang inyo katabi 80 years old, ang ating Simbahan more than 2000 years old, ang tagal na ano, ang daming pinagdaanang giyera, ang dami nang Lindol, marami nagn persekusyon ang pinagdaanan, bakit nakatayo pa rin, matatag pa rin, there must be a God taking care of our Church, just like inaalagan ang bayan ng Israel. There are 266 na Papa mula Peter, Linus Anacletus, Clement, Evaristus hanggang John Paul II, Benedict [XVI], Francis. The line of succession continues hindi napuputol mula kay St. Peter. Alam niyo, iyan ang ating panglaban, that is our bragging rights for the other sects sapagkat ang iyong relihiyon, ang iyong sect ay nakasalalay sa isang leader at ang leader ay natigok, nganga, hindi alam ang gagawin but our Church, it manages to withstand lahat ng pinagdaanan and it manages to stand sa kabila ng pinagdadaanan at persekusyon, there must be a God taking care of us.

Pamilyar kayo sa kuwento ng pagbagsak ng tulay sa Taipei, naroon ang aking kababayang taga-Quezon, nangangamba, nawala ang kanyang asawa, namatay, ang kanyang dalawang anak dalawa, tatlo sila, paano sila nabubuhay, they’re 3. Ang ating pong Simbahan, more than 1 Billion and if the Pope dies, we know what to do. The Conclave, the Cardinals gather together for the conclave at the Sistine Chapel and we know what to do, there must be a God taking care of us, Mary was there.

Iyan ang kuwento ng bayan ng Israel, iyan ang kuwento ng ating Simbahan, I like to believe lahat ng naririto, you have your own story, bakit tayo naririto? Kung sinong inalalay, siyang magpapatunay. I like to believe kung sino man ang naririto, one-time in their lives bedridden, sino rito ang survivor? Matagal nang may karamdaman akala wala nang pagasa and suddenly you found yourselves having a second life. I like to believe its your faith that beckons you to be here sapagkat kapag may kapuri-puri huwag mahiyang ipagsabi, sino dito single mother, single father when abandoned by their husband or by their wife, akala hindi alam an gagawin, everything collapses, akala hindi maitataguyod ang pamilya and look where you are now, you’re here sapagakat nagpapasalamat sa Diyos. Sino dito walang baon, hindi alam kung paanong makapag-aral, sino yung high school, college, inggit na inggit sa mga classmates sapakgat they have their own, you get nothing and where are you now. Isa sa mga sponsor, isa sa mga naglagay ng mga bulaklak, to some people perharps this may see as flowers but I like to believe may kuwenta at may kuwento ang mga bulaklak na ito sapagkat kungsino minsan ang inalalay ng Diyos, siya ang magpapatunay.

Special po sa aking ang Santo Domingo Church. 1986 to 1995 I had my formative years here, sa Simbahang pong ito, dito mismo, dumapa ako for I have my vestition in 1986, I have my First profession in 1987, I had my ordination in 1995. Since 1995 until the present, hindi po ako naka assigned sa Santo Domingo, I’m still belong to the order, I’m still a Dominican subalit hindi ako nakatira dito that is why I don’t say Mass here but way back I used to say Mass in 1995, kaya nga ba nakikita ko yung ilang mga pamilyar na faces, nag-iba na, nakita ko pa si Jesus Christ, bata pa ho non si Jesus Christ sapagkat noon pa, nakikita ka. Ibang mga tao nakikita ko, naka-wheel chair na, this is the same people, yung isang dating Tiple, choirmaster na.

I like to believe each one of us has its own story na magpapatunay that there is a God and all throughout my life there is Mama Mary, nagangandili sa atin. Kaya nga po nang ako’y bigyan ng pagkakataong ako’y magmisa, I saw to it, I grab the chance to take this, it’s my first time in 24 years to preside in an evening Mass. Subalit I saw to it when I was to UST, I bring my highschool education here in order to be part of the celebration as sense of my gratitude at pasasalamat sa Mahal na ina sapagkat if there is something laudable, make sure its audible sapagkat I would attest when God guides, believe me, he provides.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s