Holy Mass for the 27th Wednesday in Ordinary Time
Homily of Fr. Daniel Hui, Parochial Vicar
QUIAPO CHURCH, 9 OCTOBER 2019
Isang magandang umaga po sa inyong lahat.
Maikli ang ating Ebanghelyo ngayon at ito ay tungkol sa “Panalanging itinuro sa atin ni Hesus” ang Ama Namin, pamilyar tayong lahat, kaya nating banggitin at kabisado naitn ang panalanging itinuro sa atin ni Hesus. Ngunit magandang maunawaan natin, kahit na kabisado natin ito, magandang mauunawan natin kung ano ba ang ibig sabihin ng panalanging ito.
May dalawang bagay ang tinuturo sa atin ng panalanging ito tungkol sa Diyos at dalawang bagay din ang itinuturo tungkol sa atin. Unahin natin yung dalawa na tungkol sa Diyos; una, ang panalanging ito o ang “Ama namin” ay nagsasabi na ang Diyos ang Ama natin, he is the Father, siya ang tatay, siya ang Ama, kaya sa tuwing sinasabi mo ito, nakikita mo at naniniwala kang siya ang Ama at dahil siya ang ama, siya ang may akda at siya ang lumikha ng lahat. Siya ang may-akda at siya ang lumikha.
Pangalawa, kung siya ang Ama at sinasabi nating “Ama namin”, pangalawa, ibig sabihin, lahat ng nagdarasal nito, lahat ng Katoliko ay kapatid natin dahil sinasabi mo na ang Diyos ay ang iyong Ama, ang Ama natin, ang gma nagdarasal nito ay kapatid din natin.
Una, siya ang Ama, siya ang may likha at may-akda ng lahat at ang lahat ng nagdarasal nito ay kapatid natin ngunit minsan bakit ganon, kung siya ang Ama, siya ang may akda, bakit parang baliktad, parang tayo dapat ang nasusunod, bakit parang tayo ang may akda ng mga bagay na gusto nating manyari sa atin, di ba’t pag nagdadasal ka “Lord, sana pumasa ako sa board exam. Lord, tanggalin mo itong sakit ko. Lord, patamain mo naman ako sa lotto, tanggalin mo itong problema ko” bakit parang tayo may akda, tayo ang nag-iisip ng mga gusto natin para sa ating sarili, paano kung ayaw ng Diyos tanggalin ang sakit mo, paano kung ayaw ng Diyos na pumasa ka sa board exam kasi hindi ka naman nag-aaral, paano kung ayaw niyang tanggalin iyang problema mo, kasi pag tinanggal niya ang problema mo, hindi ka na magsisimba, hindi ka na makakaalala. Kung minsan baliktad, sinasabi mong Ama namin pero gusto mo ikaw, tayo ang nasusunod, sinasabi mo siya ang Ama pero ikaw naman ang may akda ng sarili mong buhay, ikaw ang nasusunod, ikaw ang tumutupad sa sarili mong kagustuhan.
Kung siya ang Ama, siya dapat ang susundin, siya dapat ang pakikinggan at kung kapatid ang turing natin sa kapwa, e di sana madali tayong nagpapatawad, e di sama madali tayong tumutulong sa kapwa, e di sana may malasakit tayo sa isa’t-isa dahil kapatid mo, dahil kapitid mong turing sa iba.
Dalawang bagay ang tinuturo nito tungkol sa Diyos, siya ang Ama at dahil siya ang Ama, pamilya natin siya dahil tayo ay magkakapatid.
Yung dalawa naman na bagay na tinuturo nito para sa atin; una, huwag mong alalahanin ang bukas, maging masaya sa kung ano ang araw na ito, kaya nga yung panalangin “bigyan mo kami ng aming makakain sa araw-araw” it is a prayer for a daily basis, panalangin sa pangaraw-araw hindi sinasabing huwag mong isipin ang kinabukasan, ang sinabi lang huwag mong alalahanin kasi kung yan ang pupunuin mo sa isip mo, kung puro pag-alala sa kinabukasan mo, hindi ka magiging masaya, hindi ka mabuubuhay ng mapayapa kaya ka nga amgdadasal araw-araw, huwag kang mag-alala, Diyos ang magpupuno sa pangaraw-araw mo, hindi ka man yumaman pero hindi ka pababayaan tandaan mo iyan, hindi man ikaw yumaman pero hindi ka pababayaan dahil hindi hahayaan ng Diyos na lumipas ang araw na ito na may mangyayari sa iyo. Ang panalangin ng Ama namin ay panalangin sa araw-araw, hihingin natin ang grasya ng Diyos araw-araw kaya huwag mong alalahanin ang kinabukasan, puwede mong isipino pero huwag mong alalahanin pero sa araw na ito, sapat na ang ibibigay niyang grasya sa iyo.
At yung pangalawa, tinuturuan tayo na magpatawad sa kapwa, kung nahihrapan kang magpatawad, isipin mo na lang kung paano ka pinapatawad ng Diyos, isipin mo kung anong kapatawaran ng Diyos ang ibinibigay sa iyo at kung maiisip mo iyon, magiging madali ang pagpapatawad mo sa iba kung ikaw, pinapatawad ng Diyos, kung ikaw kinakalimutan ng Diyos ang mga nagawa mong pagkakamali, bakit hindi mo magawa sa iba?
Dalawang bagay ang itinuturo ng Ama namin sa atin, ang huwag alalahanin ang kinabukasan kundi maging masaya sa pangaraw-araw at pangalawa, magpatawad sa kapwa gaya ng natatanggap nating kapatawaran an ibinibigay ng Diyos. Ang Ama Namin ay panalanging itinuro sa atin ng ating Panginoon sapagakat itong panalanging ito kumpleto at sapat, huwag mo lang banggitin, huwag mo lang kabisaduhin kundi isaisip, isapuso at gawin sa pangaraw-araw. Amen.