Quiapo Church 8 October 2019 – 8am Holy Mass Homily

bandicam 2019-10-08 12-11-23-464.jpg

Holy Mass for the 27th Tuesday in Ordinary Time

Homily of Fr. Daniel Hui, Parochial Vicar

QUIAPO CHURCH, 8 OCTOBER 2019

Magandang umaga po sa inyong lahat.

Ang pahayag ni Hesus, pinili ni Maria ang lalong mabuti at hindi ito aalisin sa kanya. Ano bang ginawa ni Maria, ano bang pinagkaiba ng ginawa ni Maria at ni Marta at si Maria ang pumili ng mabuti. Narinig natin yung kuwento, ang nagimbita ay si Marta, si Marta ang nagpapasok kay Hesus sa kanilang tahanan at doon si Marta, aligagang-aligaga sa pag-aasikaso, ngunit si naupo sa paanan ni Hesus at nakinig sa kanyang mga itinuturo. Si Marta ang nangimbita pero si Maria ang pumili ng higit na mas mabuti. Sa dalawa, sino ang may mas nagawang kabutihan.

Magandang makikita natin ang ating mga sarili kina Marta at Maria sa tuwing tayo ay aligagang-aligaga sa buhay. Kapag yung mga estudyante, malapit na ang exam, sino bang inuuna, aligaga bang mag-review, aligaga bang mag-computer o inuuna ang Diyos. Kapag Linggo, ano bang pinagkakaabalahan natin, inuuna ba nating mag-simba o inuuna nating mag-laba, inuuna nating ang pagmamall’t pamamasyal, inuuna natin ang pamamahinga. Si Marta o Maria?

Pag ikaw ay nagimbita ng isang panauhin, hindi ba’t ang dapat mong gawin ay ientertain ito, kausapin, tabihan, upuan. Iyun ang ginawa ni Maria, si Maria, ang tanging mahalaga sa kanya ay ang kanyang panauhin, si Hesus samantalang si Marta ang nakalimutan niya at nabigyan na ng mas tuon na pansin ay ang mga pinagkakabalahan niya.

Isa lang ang sinasabi sa atin, hindi masamang maging busy, hindi masamang magtrabaho, maging aligaga sa buhay ngunit ang sinasabi sa atin, unahin mo ang Diyos at mabuti ang lahat ng iyong pipiliin. Bago ka magtrabho, magdasal ka muna, bago ka magdesisyon, ipagdasalan mo muna, bago mo simulan ang Linggo mo, magsimba ka muna, bagho ka pagpakasal, magdasal ka muna, isama mo at unahin mo lahat ang Diyos sa iyon buhay.

Totoo, marami tayong pinagkakaabalahan sa buhay at magandang makita, sino ba ang ating inuuna. Pagbukas ng iyong mga mata, sino ba ang iyong unang kinakausap, ang Diyos ba o ang iyong cellphone. Kapag ikaw ay may gagwin, sino ang iyong tinatakbuhan, Diyos ba o ang ibang tao.

Hindi sinasabi sa atin na huwag magtrabaho o huwag maging aligaga sa buhay, ang nais sabihin ni Hesus, pag inuna mo ang Diyos, pinipili mo ang higit na mas mabuti. Amen.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s