Quiapo Church 7 October 2019 – 7am Holy Mass Homily

bandicam 2019-10-07 11-05-41-198.jpg

Holy Mass for the Memorial of Our Lady of the Rosary

Homily Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar

QUIAPO CHURCH, 7 OCTOBER 2019

Isang magandang umaga po sa inyong lahat.

Sa umagang ito, unang araw ng araw ng Linggo tayo po’y inaanyayahan ng ating mga pagbasa tungkol po sa ating relasyon sa ating kapwa at gayun din naman paalala ito ng Panginoon upang tayo po ay muling makipag kapwa-tao. Ang isang tao dapat po ay mayroong habag sa kanyang kawpa tao, kasi minsan mas pinapahalagaan pa natin, mas pinoprotektahan pa natin ang mga hayop kaysa sa ating kapwa tao. Ngayon hindi natin alam kung ang isang tao ang tumatakbo sa isipan niya siya ay hayop kaya mas concern siya sa hayop, kasi minsan iyon ang pinaglalaban natin ngayon, yung ating pagiging tao, pagiging kasarian natin nakadepende sa kung ano ang pakiramdam natin.

Kaya ngayon, ibinabalik tayo dito ni Kristo sa itong paalalang ito na tayo pong lahat ay may pananagutan sa ating kapwa. Kung saka-sakali po ba, tayo po, ngayon ilagay natin sa konteksto, ilagay natin yung ating mga sarili sa kuwento sa ating Ebanghelyo na mayroon tayong nakitang nakahandusay, mayroon tayong nakitang -minsan nga, inaaway pa lang, binubully pa lang o kaya hinoholdap na, ano ba ang nagiging reaksyon natin? Sige nga, bakit hindi natin makuhang tumulong sa ating kapwa ngayon? Sige nga, isipin niyo nga po, bakit nahahadlangan na ipakita natin ang ating pagiging tao, bakit nahahadlangan yung makipag kapwa-tao tayo lalo’t higit sa nangangailangan.

Minsan, ang mga dahilan natin, lalo pa sabi kasi, merong batas tayo na bawal tumulong, halimbawa, bawal kang magbigay ng limos, may batas po iyan, bawal kang magbigay ng limos kasi nga sinasabi natutuo lang silang mamuhay sa kalye lalo na yung mga bata na ginagamit ng mga matatanda para kumita na wala namang kamuwang-muwang pero dahil ang iniisip natin baka mamihasa ang mga batang ito kaya hindi tayo nagbibigay sa kanila, tama ba? o kaya naman pag sinabing pag mayroong nangangailangan ng tulong, hindi tayotutulong kasi “ayokong madamay diyan” di ba po ano, “ayokong madamay diyan” o kaya naman bakit ayaw nating tumulong o hindi tayo nakakatulong, kasi nag-uunahan tayong sumikat, di ba pag may nakahandusay, may nag-aaway imbes na suwayin anong ginagawa natin, vinivideo natin, lahat naka-video, minsan nga duguan na, humihingi ng tulong walang lumalapit kasi lahat gusto nakavideo, ayan tuloy namatay, pwede pa sanang nailigtas, puwede pa sanang natulungan kaya lang wala eh, sumisigaw na ng ‘saklolo, tulong’ pero ang gusto natin sumikat tayo, tayo ang unang makapag-post para mag-viral ito, syempre ikaw naman sisikat ka, aabangan mo kung ilang likes, aabangan mo kung ilang views na yung pinost mo.

Ano pa ba ang dahilan kung bakit hindi tayo natututong makipagkapwa-tao, una yung mga dahilan na yung ating mga posisyon, yung ating mgagawain, maging ang pagiging Katoliko o ang ating Relihiyon, kultura, ginagamit natin para hindi tayo makatulong o kaya naman para majustify na hindi tayo tutulong.

Pero sa pakikipagkapwa-tao sa ating Ebanghelyo, pinapakita nga dito na anumang kasarian, anuman ang lahi, anuman ang kultura, makipagkapwa-tao tayo, lalo’t higit nangangailangan ng tulong, wala tayong titignan na iba man, basta’t nangangailangan ng tulong, iyon ang panawagan ng Diyos at doon tayo mas nagiging kumpleto bilang tao kung tayo ba’y marunong makipagkapwa-tao.

Huwag nating babanggitin at huwag na huwag nating sasabihin “magisismba ako kaya wala akong panahon tumulong sa taong nangangailangan.” Amen.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s