Holy Mass on the Fourth Day
of the Novena
in Honour of Our Lady of La Naval
Homily by Rev. Fr. Joseph Dizon, OP
Santo Domingo Church, Quezon City
7 October 2019
Good evening everyone, magandang gabi po.
I think there is no other way of thanking God and there is no better way than to thank him through the Holy Eucharist that we are celebrating today because on this place, on this Church, I have always been praying to become a Priest someday. Ang lugar pong ito ay lugar ng aking debosyon sa Mahal na Birhen at ilang taon ko rin pong ipinagdasal na tulungan niya ako na makapaglakbay patungo sa pagpapari at narito ako ngayon, minamasdan ang Mahal na Birhen ng La Naval, nagdidiwang ng Banal na Eukaristiya sa Simbahang ito na naging aking comfort zone sa loob ng maraming taon. Maraming Salamat sa Diyos.
Minamahal kong mga kapatid, kapag tiningnan ko yung tema ng ating Nobenaryo at ng ating Kapistahan ngayon, si Maria bilang kamanlalakbay ng kabataan, gusto kong isipin na kung nabuhay nga kaya ang Mahal na Birhen ngayon, makakarelate kaya siya sa mga Millennials, sa mga baby-boomers, at sa mga Netizens. Kasi noong panahon ni Maria, walang Internet, si Mama Mary walang Facebook, walang Instagram at lalong wala siyang Twitter, wala siyang lahat niyan, hindi naging online ang Mahal na Birhen at dahil sa Nazareth siya nakatira, kahit siguro may internet nung panahong iyon because it was a rural area, siguro napakahina ng signal o kung hindi mahina ay wala talagang signal, mahihirapang kumonect ang Mahal na Birhen and aside from that fact, the simple personality of the Blessed Mother, yung kanyang pagiging simple, yung pagiging soft-spoken niya, siguro ay hindi rin siya masyadong mag-eenjoy at siguro maguguluhan din siya sa mundo ng social media ngayon.
Kaya nung tinitignan ko at pinagninilayan ko, ano nga kaya ang koneksyon ng Mahal na Birhen sa ating mga kabataan. Una naisip ko walang koneskyon, dahil ang Mahal na Birheng Maria sa social media pa lang, bagsak na, wala siya non, hindi niya naranasan iyon. Pero alam po ninyo bilang vlogger, meron po akong vlog ang pamagat po non ay “Sa Madaling Sabi” bilang Netizen at bilang Pari ngayon, I have become a public personality, at aaminin ko po sa inyo, marami din po akong bashers, marami din pong naninira sa akin, hindi lang online pati offline, kung minsan yung mga taong malalapit sa akin, ayaw na ring maniwala sa mga motibo ko, mayroong mga nagsasabing “naku, nagpapasikat lang iyan. Kabata-batang Pari, ang daming gustong patunayan sa sarili. Kabata-batang pari, nagpapapansin. Kebata-batang Pari ang yabang. Bilib na bilib sa sarili” and all sorts of comments that I heard. At isang araw, natagpuan ko ang aking sarili na nakaluhod sa isa sa mga pew doon, umiiyak sa harap ng Mahal na Birhen at ang sabi ko sa kanya “bakit po ganon? Ang gusto ko lang naman ay imaximize ang aking Pagkapari, ang gusto ko lang naman maibahagi ko yung reflection ko sa mga tao, yung homilies ko maganda naman yung intensyon ko bakit minamasama ng iba?” and there was the Blessed Mother, looking at me without saying a word and I imagine the Blessed Mother at the foot of the Cross, just like in the Gospel that we have heard today saying nothing.
Wala siyang masabi sa kanyang Anak na doon sa Krus nilalait, binubully, pinipintasan, sinisiraan at maraming sinasabing masama ang mga tao sa kanya and the Blessed Mother was silently suffering in her heart, tahimik niyang iniinda ang bawat salita, ang bawat pintas na naririnig niyang patungkol sa kanyang anak. Tahimik lang siyang nakatingin, bakit? kasi alam niyang hindi totoo iyon, alam niya sa kanyang puso na walang masamang intension ang kanyang Anak sa paggawa ng himala, sa pangangaral sa mga tao, walang ginawang masama ang kanyang anak. Kaya tiniis ni Maria ang hirap sa kanyang puso, nauunawan niya kung anong ibig sabihin ng ma-bully, ng ma-bash, naiintindihan niya kung anong ibig sabihin ng masaktan dahil sa masamang sinasabi ng mga tao.
Gusto ko po kayong kausapin lahat, lalo na ang mga millennials, mga netizens at nakakaranas ng bashing at paninira ng ibang tao sa inyo. Sometimes the words of other people makes you feel small. Nararamdaman ninyo na parang nanliliit kayo dahil marami silang sinasabi sa inyo pero tandaan ninyo, kahit ano ang maging tingin ng ibang tao sa inyo, kahit gaano kasama ang maging tingin ng ibang tao sa inyo, hindi nababago ang paningin ng Diyos sa bawat isa sa atin. Kung gaano kakinang ang damit ng Mahal na Birhen, kung gaano siya kaganda, gayun din kaganda at kakinang ang ating pagkatao na nakikita ng Diyos. Ang pagiging anak natin sa paningin ng Ama hindi nagbabago kahit tayo, kahit ang pangalan natin ay dumihan ng ibang tao. The gaze of the blessed Mother, the gaze of our heavenly Father never changes, mahal na mahal tayo ng Diyos kahit ang mundo namumuhi, naiinis at naninira sa bawat isa sa atin.
So never think that the Blessed Mary does not understand us young people, lalo na yung mga kabataan dito, maraming nadedepressed dahil masyado silang nadadala ng mga maling impression sa kanila ng social media, huwag kayong madala doon, huwag ninyong maliitin ang sarili ninyo, ang nagdidikta ng pagkatao natin ay hndi yung ibang tao, because even Jesus was wounded on the Cross, even the people cursed him, hindi naman nabago ang kanyang pagiging Anak ng Diyos, hindi nabago ang mga nagawa niyang Mabuti. And so it is true with us, kahit anong sabihing masama ng ibang tao, hindi nawawala ang kabutihan ng ating pagkatao na nakikita ng Diyos at ng ating Mahal na Birheng Maria.
It is interesting to note that the beloved Disciples, that the beloved Disciple in the Gospel that we have heard has no name, hindi pinangalanan yung minamahal na Alagad na nasa paanan ng Krus, na Karamay ni Hesus sa paghihirap at dinadamayan ng Mahal na Birhen. Bakit walang pangalan yung minamahal na Alagad, tanong niyo po sa akin bakit? Kasi pwedeng ikaw iyon, because each one of us is that beloved disciple, being cuddled by our Blessed Mother, ang bawat isa sa atin ay minamahal na Alagad na tinatapik ng Mahal na Birhen sa ating balikat, okay lang iyan, sabihan ka man nila ng masama, kahit kalian hindi nakitang masama kasi anak kita.
Anak tayong lahat ng Mahal na Birhen, sapagkat tayo ay ipinagkatiwala ni Hesus sa kanya. At iyon ang ating panghawakan and let the words of St. Paul be our encouragement today “if God is for us, who can be against us” (Romans 8: 31) kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang laban sa atin. Kung ang nakikita ng sa atin ng Diyos ay Mabuti, anong panamba o anong panama ng sinasabi ng ibang tao at ng mga netizens na pangit tungkol sa iyo.
Maria, Ina ng mga millennial, mga Netizens, ng mga taong naba-bash at ng mga taong sinisiraan ang pangalan, ipanalangin mo kami.