Quiapo Church 6 October 2019 – 6am Holy Mass Homily

bandicam 2019-10-06 11-50-13-579

Holy Mass for the 27th Sunday in Ordinary Time (Year C)

Homily of Msgr. Hernando Coronel, Rector

QUIAPO CHURCH, 6 OCTOBER 2019

Nawa ang Poong Hesus Nazareno lagi tayong biyayan, bendisyunan, basbasan at pagkalooban ng maraming grasya, maraming grasya, maraming grasya sa ating pang araw-araw na buhay.

Tinatawag natin ang ating mga sarili bilang Deboto ng Poong Hesus Nazareno, tayo ba’y nagyayabang bilang mga Deboto, na tayo laging nasa Simbahan ng Quiapo, alalahanin natin sa Ebanghelyong napakinggan natin ayon kay San Lukas, ginawa lang natin ang ating tungkulin, ang utos ng Diyos na iniatas sa atin, wala tayong kabuluhan. “O ako ang Kura ninyo, o Lay Minister, o mga kolektora ako” bibilang batyo ng paglilingkod? Ginagamit ba natin ang ating ID para ipagyabang sa iba, hindi po iyan paalala sa atin ng ating Panginoon sa paglilingkod sa kanya.

Ang ating Unang pagbasa ay galing sa isang Propetang hindi kilala, Propetang mensahero ng Diyos na bihira nating marinig, dapat siguro yun ang aral, hindi naman ito katanyagan o kasikatan o popularidad, sabi ng Propetang Habakuk papaano yung tao ang libangan ay hidwaan, tsismisan, siraan, pagkatalikod ng tao saksakin sa likod. Ang Propetang si Habakuk na hindi gaanong kilala natin, sinasabi “sundan ang daan ng pagkamatuwid at ito ang katangian nito ay taong matapat sa Diyos.” Kahit naman napakadaming dibisyon o pag-aaway, sikapin mo rin maging instrumento ng kapayapaan.

Sa ating ikalawang pagbasa, ikalawang Timoteo, minsan gusto natin sarili ang ipagyabang para bang kung sa labas tayo, ikinahihiya natin si Hesus, wala na tayo sa teritoryo natin kung sa labas tayo, huwag po taying matakot, huwag natin siyang ikahiya, huwag natin siyang itatuwa “hindi ko kilala iyan.” Sa labas, sa malayo kung malayo tayo sa Quiapo, tayo’y magdasal, magpatotoo po tayo, magsaksi po tayo, magtestigo po tayo, ipahayag natin ang tungkol sa kabutihan na ginawa ng Poong Senor sa ating buhay.

Sa ating Ebanghelyo mga kapatid ayon kay San Lukas, mga Alagad na mahihina ang pannampalataya. Unang pagsubok pa lang, kung nahihirapan, yung expression ng mga millenial ngayon konting hirap lang (acts exhausted) ang napapansin ko, konting stress parang naiinitan, pinapaypay ang sarili. Ang buhay, sinasabihan ko sila, bago tayo magtamasa ng kaginhawaan ng konti at kung dumating iyong kabutihan, hindi po araw-araw iyon, namnamin mo, patagalin mo, magpasalamat ka pero karamihan ng buhay natin ay pagpasan ng Krus na inaatas sa atin, hindi (acts exhausted) mahihina at si Hesus “O gawin mo ito, gawin mo iyan” ano gusto mo pasalamatan ka? merong tropeo, meron pang (hums the graduation march) o may certeficate of appreciation, sasabitan ka ng sampaguita o gusto meron kang kuwan, medal, naglingkod ja lang may red carpet, iyan pi ang mga drama na iniisip natin sa ating imahinasyon. Hindi po ganyan, tayo’y mga -hindi tayo, kundi siya sikat, kalabanin mo ang tukso na ako ang sikat, ang sikat -tayo Zero, walang kabuluhan mga kapatid.

Itong posisyon ko bilang Kura “ako’y Kura ng Quiapo” kung pumasok iyan sa isip ko, sikat tayo. Ang sikat alalahanin natin si Hesus, maliwanag ba, okay ba? nagkamali po ako, di ba may tula ako, nagkamali ako ng -Senior Citizen na kasi ako, kasi 60 -wala akong tula (laughs) natawa si Robert, nagkamali ako -senior citizen, tawa ng tawa kayo. Sabi ko “naku, mali yata, talagang tumatanda na ako, kasesenior ko lang” tawa ng tawa kayo. Mali, mali yung hinanda ko, sabi ko “anong ipapalit ko” ito; Debosyon sa Mahal na Birheng Maria. Kahapon ay dumalaw kami, nagbahay-bahay kami, dumaan kami sa Bilivid Viejo para sa ating komunidad, meron po tayong kalye dito ang dating pangalan ay Lepanto, naalala niyo ba, meron kaming dumaan sa Lepanto, meron doong nakalagay doon ay isang Carenderia pinangalang “ito’y kainang Lepanto” ano ba yung Lepanto? Kasi yung puwersa ng Kristiyanismo matatalo, yung kalaban napakalakas, napakadaming barko, napakadaming sundalo, yung mga Kristiyano kakaunti lamang, ngunit sa pamamagitan ng Birhen ng Tagumpay, sa pamamagitan ng Birhen ng La Naval, La Naval ibig sabihin yung pangbarko, naval fleet sa Ingles, sa pamamagitan ng Birhen ng Santo Rosaryo kahit na yung puwersa ng Kristiyano ay kakaunti sabi ng mgakalaban “ano ‘to” nandon yung Mahal na Birhen, hindi lang ang patotoo ng mga kalaban, pati si Kristo, si San Pedro, si San Pablo, yung hangin, iyan ang Lepanto, pinalitan yung pangalan diyan may kalye tayo sa ating Parokya.

Kaya tayo “malakas ang kalaban, duduwag ako, nanghihina na ako” lumapit tayo sa Mahal na Birhen, sinasabi ko sa inyo, sinasabi ko sa mga bata, sinasabi ko sa mga nagbabahay-bahay “the Family that Prays together” (responded “stays together”) “stays together”, “ang pamilyang nagdadasal ng sama-sama, mananatiling sama-sama”. Malakas ang puwersa ng kabila, nanghihina tayo, wala na tayong kumpiyansa sa ating sarili, buwan ng Oktubre, magdasal po tayo ng Santo Rosaryo ng sama-sama bilang pamilya, bilang komunidad at tayo’y magtatagumpay.

Sa tulong ni Maria, Birhen ng Santo Rosaryo, ni San Jose at ni San Bruno, Santo para sa araw na ito, nawa’y tayo ay maging tunay na mapagkumbabang deboto ng ating Nuestro Padre Jesus Nazareno. Amen.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s