Holy Mass on the Second Day
of the Novena
in Honour of Our Lady of La Naval
Homily by Rev. Fr. Clarence Victor Marquez, OP
Rector and President of Colegio de San Juan de Letran, Intramuros, Manila
Santo Domingo Church, Quezon City
5 October 2019
“How dare you!”
Iyan po ay hango sa isang talumpati na binigkas ni Greta Thunberg, isang dalagitang taga-bansang Sweden, labing anim na taong gulang at aktibista para sa kalikasan. Kamakailan, naanyayahan siyang magtalumpati sa isang International conference, United Nations on the environtment, at ang kanyang talumpati ay nakikilala na ngayon dahil ilang ulit niyang binabagkis “How dare you!”
Nung tinanong ko yung mga kasama kong Pari sa Altar paano bang isasalin sa tagalog yung “How dare you!” narealize ko na silang lahat ay taga Panay island, sabi ni Fr. JS “walang hiya” si Father Prior, Fr. Ogie sabi niya “ang kapal naman ng mukha” ako’y tagalog, taga-Bulacan siguro ang magandang salin nung “How dare you!” ay “Ang Kapal naman ng Apog mo.” ang konteksto po ng talumpati, si Greta Thunberg, sinasabihan yung mga matatanda, the Adults “How dare you! How Dare you destroy the Environment, How Dare you look at the Young people to solve the problems, How Dare you!” Kapal ng mukha niyo.
Kung sangayon man kayo o hindi, sa sinasabi ni Thunberg sa kanyang Pulitika o sa kanyang ideolohiya, dahil Taon ngayon ng Kabataan, marapat bigyan ng puwang ang Kabataan gaya ni Thunberg para magsalita at karapatan ng kabaataan para mapakinggan “How Dare You!” meron pa tayong dapat pakinggan, ang Ebanghelyo para sa Linggong ito, ika-dalawampu’t Pitong Linggo sa Karaniwang Panahon, Ebanghelyo hango kay San Lukas at ito ho ay patungkol sa pagiging Disciple, about Discipleship at sinasabi dito na meron daw dalawang sangkap ang pagiging Disciple.
Ang unang sangkap ay ang Pananampalataya, Faith, kaya nga ang bungad na hingi ng mga Alagad “Increase our Faith” dagdagan niyo ang aming Pananampalataya, pero ang sagot ng Panginoon “How Dare You!” ang Kapal naman ng Apog mo, dahil ang pananampalataya ay hindi quantity, hindi iyan nadadaan sa dagdag o konti, ang pananampalataya is quality, kaya nga maling akala natin na ang Pananampalataya ay nasusubok lang kapag tayo’y nakakakatanggap ng himala katulad ng himala ng tagumpay ng La Naval, ilang taon na ang nakakalipas dito sa Pilipinas, iyon ay himala dahil sa pananampalataya pero ang panaanmpalataya ay hindi lang doon sa mga extraordinaryong himala, ang pananampalataya ay nasa karaniwan buhay din, kung tayo’y mga Alagad, tayo’y Disciples mahalaga ang pananampalataya.
Ang ikalawang sangkap ng pagiging Alagad, kailangan tayo ay may silbi, kailangan ang pagiging Disipulo natin ay mayroong katuturan, may gawa, hindi pwedeng ang pananampaltaya ay hindi lang sa salita lamang, Linggo-Linggo sa pagsisimba natin laging binibigkas natin yung pagpapahayag ng Pananampalataya, the Creed, pero ang pananampalataya ay hindi lang sa salita, ang pananampalataya ay sa gawa, kailangan pananampalatayang may silbi, lalong-lalo na sa mga pagkakataon na tayo’y naghihirap, na tayo’y siusubok ng ang Simbahan kumbaga’y naliligalig ng mga eskandalo, ng mga pasakit, ng mga kasalanan at kasamaan, kinakailanang ang pananampalataya’y hindi lang salita bagkus ay gawa, pananampalatayang may silbi. Meron pa taynong dapat pakinggan, Ang Mahal na Birheng Maria, nung unang siya’y dinalaw ng Anghel para ihatid ang Mabuting Balita, siya’y mistulang kabataan din, siya ay halimbasa sa kabataan at halimbawa Ng kabataan. Dahil ang tema natin sa taong ito ng ating pagdiriwang ng Kapistahan ng La Naval ay “Maria: Kaagapay ng Kabataan sa Paglalakbay.” Marami tayong matutunan sa mga kabataan, katulad ni Maria dahil ang ibinigay niyang halimbawa sa atin ay pananampalataya, pananampalataya ng karaniwan at pananampalatayang may silbi, lalong-lalo na sa pnakamababang pagkakataon at sandali sa kanyang buhay.
Iyun din ang paanyaya at hamon sa atin, hindi na tayo kailangan humingi ng dagdag na pananampalataya dahil sa pananampalatayang hawak natin ngayon, sa pagnonobena natin, sa pagrorosaryo natin, sa pagpapakita natin ng debosyon sa Birhen ng La Naval, sapat na ang pananampalataya.
How dare you kung wala tayong ginagawa sa pananampalatayang iyan, How dare you kung ang pananampalataya natin ay hanggang salita lamang, How dare you kung walang inihahatid na katuturan, kabuluhan at kabutihan ang pananampalataya. Gawin natin tularan natin ang halimbawa at hamon ni Maria at ng mga kabataan. How dare you kung wala kang ginagawa sa iyong buhay at sa iyong pananampalataya.