Quiapo Church 5 October 2019 – 12.15pm Holy Mass Homily

bandicam 2019-10-05 16-23-50-327.jpg

Holy Mass for the 26th Saturday in Ordinary Time (Year C)

Homily by Fr. Leo Ignacio

Quiapo Church, 5 October 2019

Magandang Tanghali po sa inyong lahat.

Matapos maisugo ang pitompu’t dalawang mga Alagad ni Hesus sa kanilang pagbabalik sa kanilang guro, ang kanilang hatid ay balita na puspos ng kagalakan. Tuwang-tuwa ang mga Alagad sa naging bunga ng kanilang pagsusugo sa nging bunga ng kanilang pagsunod at paghayo sa gawain ni Hesus.

Minamahal kong mga kapatid,sa bisa ng Binyag, tayong lahat ay sinusugo, tayo ay mayroong nakatakdang misyon na dapat nating isakatuparan, na dapat sanang maisaganap. Si maria nga nung siya’y nagdadalaga, inihatid s akanya sa papapamigtan ng Anghel ang kanyang Misyon, siya’y magiging Ina ng Diyos, siya’y magsisilang ng isang lalaki at tatawaging Emmanuel at ito ang simula ng misyon ni Maria, mula sa kapanganakan ni Hesus hanggang sa kamatayan nito kasa-kasama si Maria, si Maria na nakatakdang maging ilaw sa paanan ni Hesus at siyang nakatakdang maging Ina ng kanyang mga Alagad.

Si Maria kakaunti ang kanyang mga sinambit sa ating Banal na Kasuluatan ngunit ang lahat ng kanyang ginagawa ay pawang kaloob ng Diyos, pawang na ayon sa kalooban ng Diyos at nagpaparangal sa kanyang pangalan, ito marahil mga minamahal kong kapatid ang pangunahing misyon ng gma nabinyagan sa Santatlo dapat nating ipangaral ang Mabuting Balita sa lahat ng Bansa, tayo’y maging alalampara na nagbibitbit ng liwanag na si Kristo at nagtatanglaw sa buong daigdig, tyo ang mistulang tagapaghatid ng Mabuting Balita, tayo mismo ang tagapaghatid ng kagalakan sa mga nalulumbay, sa mga namimighati, sa mga nagdadalamhati, sa mga nalulungkot.

Ginagampanan ba natin ang ating misyon? Sa pagbalik ba natin dito sa Dambana ng Quiapo meron tayong Mabuting Balita sa paanan ng ating Mahal na Poong Nazareno o di kaya’y bilang deboto ng Mahal na Birhen, sa harapan ng ating Mahal na Ina’y meron ba tayong Mabuting Balita na maaaring maihatid niya sa paanan ng kanyang anak na si Hesus, anong uri ng kagalakan ang bitbit natin sa mga sandaling ito? Anong kagalakan ang hatid ng ating pag-gawa sa araw-araw, mayroon bang magandang bunga ang Sakramento ng Binyag sa atin, meron bang naging resulta ang pagkaka-kumpil sa aitn, saan tayo dinala ng ating pang araw-araw na Komunyon, saan natin naihatid ang Eukaristiya matapos nating tanggapin ito sa Misa, meron bang magandang Balita na mula naman sa atin na magbibigay kahulugan sa Kaharian ng Diyos.

Magalak tayo kapagka may mga bunga ang ating buhay at huwag na huwag nating kalilimutan ang lahat ng bungang ito’y biyaya din ng Diyos para sa atin at hindi tayo ang may gawa ng lahat ng ito, ito’y ipinagkatiwala sa atin at gawain din ito ni Hesus, tayo’y nakikisa lamang at nakikibahagi kaya’t hindi sa angking sariling galing kaya ako nakapamunga dahil sa biyaya ng Diyos kaya natin nagawa ang lahat ng ito.

Matuwa ka sapagkat kung nagawa mo ang misyon mo sa lupa, ang iyong pangala’y nakaukit na sa langit. Meron bang dahilan upang tayo ay magalak, nakasisigurado ba tayo’t nakatitiyak na ang pangala’y natin nasusulat na at nakaukit na sa tahanan ng Diyos?

Kaya’t minamahal kong mga kapatid, ito’y hilingin natin sa ating Amang nasa Langit na sa pag-alis natin ng Dambanang ito’y bitbit natin ang kanyang karunungan, bitbit natin ang misyon natin sa buhay papasok sa ating Pamilya, patingo sa aating pamayanan, patungo doon sa mas malaking bayan ng Diyos, papaano tayo nakatutugon sa misyong ipinagkatiwala sa atin, ito ba ay lubos nating nagagampanan upang sa pagbabalik natin sa paanan ng Mahal na Poong Hesus Nazareno upang sa pagbabalik natin sa harapan ng ating Mahal na Ina, mayroon din tayong kuwento ng kaganapan, mayroon din tayong kuwento ng pamumunga, mayroon din tayong kuwento ng misyon na alam natin ito’y kalooban ng Diyos. Amen.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s