Quiapo Church 4 October 2019 – 9am Holy Mass Homily

bandicam 2019-10-04 12-42-37-385.jpg

Holy Mass for the Memorial of St. Francis of Assisi

Homily Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar

QUIAPO CHURCH, 4 OCTOBER 2019

Isang magandang umaga po sa inyong lahat. Palakpakan natin ang Poong Hesus Nazareno. (applause)

October, October 4, unang Biyernes ng buwan ng Oktubre, lapit na, 3 months tapos yun na Kapistahan na ulit ng Poong Hesus Nazareno kaya ngayon pa lang nagsisismula na tayo at nagahahnda na tayo muli para sa napakasayang araw na ito para sa mga Deboto ng Poong Nazareno.

Pero ngayon muna kung papakinggan natin ang mensahe, ang tinig ng Poong Hesus Nazareno, pag pinakinggan mo yung kanyang mga pangungusap, ang sabi niya “Kawawa ka Corazin, kawawa ka Betsaida” tapos sabi niya kung sa mga taga Tiron at taga Sidon ginawa ang gma kababalaghan, di sana’y matagal na silang nagsisi. So Corazin, Betsaida, Capernaum, Tiro, Sidon, ito yung mga bayan, ito yung mga lugar, ito yung mga taong binabanggit ni Kristo, kinukumpara pa yung mga taga Betsaida, taga Corazin, na higit na pinagpala kumpara sa mga taga Tiro at Sidon.

Ano bang ginawa sa mga taga-Betsaida, Capernaum, Corazin mismong si Kristo ang dumalaw sa kanila, msimong si Kristo ang pumunta sa kanila at pinagpakitaan o ginawan ng mabuti. Maraming lugar, maraming bayan na hindi lang ito na -hindi ko alam kung naghahangad din sila na sana madalaw sila ni Kristo, sana mapadaan sa kanila si Kristo at maranasan din nila yung naransan ng mga taga Betsaida, Capernaum at Corazin pero yun nga lang disappointed si Kristo at punong-puno ng panghihinyanag. Di ba sabi kung sa Tiro at Sidon ginawa ang mga kababalaghan, matagal na sana silang nagsisi.

Sabihin niyo nga sa katabi niyo “magsisi ka na” sige ulit “magsisi ka na” kasi baka po sa puntong ito na para bang Unang Biyernes ng buwan, kasi talagang nangako ka pag Biyernes, hindi lang unang Biyernes talagang namanata ka, na pupunta ka sa tahanan ng Hari, kasi pangako mo iyun, kaya kahit na mainit, kahit na maulan, kahit na siksikan kayo diyan, kahit na madukutan kayo ng katabi ninyo, kasi kahit yung mga magnanakaw, yung mga amndurukot namamanata din tuwing Biyernes (laughs) o natakot naman kayo, kapa agad pero iyun nga baka, baka sana naman hindi, baka kasi ang sinasabi ng Poong Nazareno “sayang, sayang ang pagod niyo, sayang ang effort niyo, sayang” hindi pwedeng mauwi sa panghihinayang” at sana nga ang ating pagiging deboto at pagdedebosyon, hindi sayang.

Kung tutuusin para bang ano ba, sa puntong ito pagnilayan nga ninyo kung tayo ba ay kakausapin, papalitan natin ang mga pangalan doon na Corazin, Betsaida at Capernaum ano ba, kung yung pangalan mo ang nandodoon, ano bang mararamdaman niyo kasi pwedeng sabihin “kawawa ka Douglas” kung sa iba ibinigay ang pagkapari, yung biyaya ng pagpapari, marami na sanang naligtas. Kung ilalagay natin yung pangalan niyo doon “kawawa ka Betsaida, kawawa ka Corazin” ano ba, tama ba si Kristo sa kanyang nararamdaman na punong-puno ng panghihinayang kasi baka kawawa naman, kawawa kayo matapos -kung ang biyaya na ibinigay sa inyo, yung hiningi ninyo ibinigay sa iba baka mas maayos ang buhay na nila. Yung mga biyaya na ibinigay sa inyo kung ibinigay sana diyan sa mga vendors sa labas, sana mas malinis pa ang Quiapo. Kaya lang sa inyo ibinigay pero angong ginawa, matapos kang maguumiyak, maglulupasay dito “Lord sige na, payamanin mo ako. Lord sige na bigyan mo ako ng trabaho” anong ginawa ng makakuha, ng yumaman, sinugal mo naman puro ka Casino, puro ka Sabong, kinakanta mo na ‘Manok na Pula’ (laughs) sayang, dadasal-dasal ka “Lord sige na, pagalinging mo naman ako sa karamdamang kong ito” di ba maraming pinagaling ang Poong Nazareno, mga Kanser, Leukemia at kung ano-ano pa, amrami tayong kuwento, ibinigay sa iyo ng Nazareno pinagaling ka, matapos gumaling, balik sa inom. Sayang baka kung sa iba binigay, malon na silang nagsisi

So parang yung punto na “ano ba?” kasi ang gusto ni Kristo, ng Poong Nazareno, ibinibigay sa atin yung kahilingan natin, yung hinihingi natin pero dapat nagsisisi tayo. Sabihin niyo nga ulit sa katabi niyo “magsisi na tayo” sabi ko nga sayang baka puwedeng -ano bang gma bagay na ibinigay sa atin ng Diyos na baka “sayang, sana sa iba na lang ibinigay” alam niyo maraming mag-asawa humihingi ng anak, pero hindi binigay ng Diyos, ikaw binigyan ka ng anak pina-abort mo, binigyan ka ng anak, hindi mo inaasikaso. Maraming nagdadasal “Lord sige na bigyan mo ako ng mapapangasawa” yung iba hindi binigyan, yung iba binigyan, pinabayaan mo naman. Kung sa iba binigay iyan, sana mas masaya siya. Ano ba?

Yung pagdedebosyon natin, binigay sa atin, pero wag sanang masayang kasi puro tayo debosyon, ayaw naman nating magsisi, puro tayo panata, ayaw natin magbago, sayang. Sabihin niyo nga sa katabi niyo “tsk tsk tsk sayang ka. Sa akin na lang dapat” kung anong meron ang katabi niyo baka pwedeng sa inyo na lang, iyan ang binigay ng Diyos. Sa Poong Nazareno naman, minsan pwedeng -dahil pinabayaan natin, hindi natin pinahalagahan ang biyaya na mayroon tayo, iyun ang kagandahan sa Poong Nazareno, yung ang kabutihan ng Diyos na kahit winaldas natin, kahit hindi natin pinahalagahan basta’t makita niyang nagsisisi ka, nagsisisi tayo at alam niya sa kaibuturan natin gusto nating magbago, hinding-hindi tayo tatanggihan ng Diyos kapag bumalik tayo sa kanya.

Hindi kasi madamot ang Diyos at kahit kailan hindi nagsasawa ang Diyos. Iyun nga lang ngayon ang mensahe, punong-puno ng pagpapaalala, pinapaalahanan lang tayo para hindi mahuli ang lahat. So sa mga Hijos na naririto, sa mga naglilingkod dito, maraming gustong maglingkod pero kayo ang nandidito, huwag sanang masayang kasi hindi lang naman kayo nandidito para maglingkod lang, nandidito kayo una’t higit, una’t kaninuman tayo yung dapat na kakitaan ng pagbabago, dapat tayo ang unang kakitaan na nagsisisi. Sabihin niyo nga po ulit “magbabago na ako” hindi ka na hingi lang ng hingi, kasi katulad ni San Francisco de Assisi, dating namuhay sa karangyaan, nagbago, nakuntento sa isang simple at payak na pamumuhay para lalo siyang mapalapit sa Diyos, iyun yung pamumuhay na ipinakita ni San Francisco de Assisi.

Wala sa kayamanan ang kaligayahan ng tao kundi nasa karukhaan sa harap ng Diyos dahil iyun ang ituturing mong kayaman. Ang pagdedebosyon natin nawa ituring mong kayamanan at kung ito’y kayamanan, pakaingatan at bigyan mo ng halaga. Amen.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s