Holy Mass for the 26th Thursday in Ordinary Time (Year C)
Homily Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar
QUIAPO CHURCH, 3 OCTOBER 2019
Isang magandang umaga po sa inyong lahat.
Sa ating Ebanghelyo mula kay San Lukas, narinig po natin si Kristo ay humirang pa ng pitompu’t dalawa para mauna sa kanya at ipaahyag din na ang paghahari ng Diyos ay nalalapit na. So bukod sa labindalawang kilala natin na pinili ni Kristong maging mga alagad, mayroon pang pitompu’t dalawa at magpasahanggang ngayon ay patuloy na tumatawag at nagtatawag para maging alagad ni Kristo at maging tagapaghatid ng Mabuting Balita.
Kaya po kungbaga ay isang panawagan, isang paanyaya para sa atin na hindi lang tayo para magsimba kundi mayroong iniaalok na gawain o mayroong misyon na ibinibigay sa atin ang Poong Hesus Nazareno. Hindi pwedeng hanggang sa iyo lang, hindi puwedeng tayo-tayo lang kasi nga hindi naman ito limitado kundi ang mas nais ni Kristo kung tayo nga ay laging nagsisimba mayroong ba tayong naaanyayahan na magsimba rin, mayroon ba tayong nadadala na mga tao na magsimba rin, hindi puwedeng tayo lang at hindi rin natin ibida na “ako, lagi akong nagsisimba” kung lagi kang nagsisimba, nagagawa ba natin ying misyon natin.
Kasi maganda ring makita natin, kung tayo po ay makikinig sa panawagan ni Kristo, sabi nga “idalangin ninyo na magpadala pa ng marami dahil marami tayong aanihin, marami pa tayong gagawin, kakaunti ang mag-aani, idalangin ninyo” sino po ba ang gustong sumali, yung mauuna, ang isang katangian na dapat makita kung talagang gusto nating sumunod at tumugon sa panawagan ni Kristo, yung tayo po ay mahinahon, yung tayo po ay may tiwala sa Diyos na hindi tayo pababayaan, kasi sabi nga yung lagi nating naririnig “we cannot give what we don’t have.”
So marami sa atin ang nakakrecruit, nakakapaganyaya dahil nakikita nila sa atin yung ating mga sinasabi, marami na pong kaguluhan sa paligid natin, marami na ang nagkakalat ng mga fake news, marami na ang nagkakalat o maraming taong namumuhay sa galit, kailangan natin ngayon mga taong magpapalaganap ng kapayapaan, magpapalagananp ng pag-ibig iyun ang kailangan natin sa ngayon. Kaya okay po ba kayo sa challenge, mag-aaply ba kayo, tatanggapin niyo ba o mananatili lang kayong “bahala na sila, kuntento na ako dito, ako na lang mag-isa basta ako na lang”
Muli, ipapaala ko po sa inyo, lahat tayo ay inaanyayahan ng Poong Nazareno para sa isang misyon at iyan ay ipakilala, walang iba kundi si Kristo. Amen.