Quiapo Church 2 October 2019 – 6am Holy Mass Homily

bandicam 2019-10-02 10-38-22-269.jpg

Holy Mass for the 26th Sunday in Ordinary Time (Year C)

Homily Msgr. Hernando Coronel, Rector

QUIAPO CHURCH, 29 SEPTEMBER 2019

Ginugunita po natin, nagpapasalamat po tayo sa ating mga Banal na Anghel na tagatanod, tagabantay, mga Anghel de la Guardia. Bagamat hindi natin sila nakikita sapagkat ang mga Anghel ay Espiritu, bagamat sa mga nagsasalarawan ay para silang mga cute na mga bata, sila po’t totoo, sila po’y nariyan at katabi natin gumagabay at nawa’y kaibiganin natin. Kabisado ko yung sa ingles ay tinuro ko pa ito, nagbabahay-bahay ako doon, may isang bata doon humihingi ng payo kasi mapanganib, sabi ko dasalin mo yung dasal sa Guardian Angel:

Angel of God
My guardian dear
To Whom His love
Commits me here
Ever this day
Be at my side
To light and guard
To rule and guide. Amen

Pasalamat po tayo mga kapatid, hindi lamang bumubuo tayo ng komunidad ng mga tao, nagpapasalamat din tayo sa mga Anghel ninyo bawat isa na naririto, ibang grupo iyan at sila’y tumutulong para sa ating kaligtasan. Ang dasal ng mga Anghel ay maligtas tayo at makapasok sa Kaharian, ewan ko kung alam ninyo yung Prayer of the Angel sa Fatima, sa mg adeboto ng Birhen ng Fatima, mayroong dasal ang Anghel, alam niyo ba kung papaanong magdasal ang Anghel, tinuro ito sa mga bata, sa mga walang pananampalataya para sa walang pag-asa, para sa mga hindi nagmamahal sa Diyos, kami na ang nagdadasal para sa kanila upang magkaroon ng mas marami pang pananampalataya, pag-asa at pagmamahal at ginagawa ito nila sa lahat ng Tabernakulo sa mundo, iyan ang rebelasyon sa tatlong bata sa Fatima, Portugal mga kapatid, sila’y nagdadasal sa harap ni Hesus at sa ating Ebanghelyo, huwag niyonng abusuhin itong mga bata, yung iba nawawalan ng pasensya ayaw nila ng responsibilidad na magpalaki ng mga batang makukulit, naririnig ko nandyan ang mga hanger, alam niyo ba kung anong ibig sabihin nun, nandyan ang mga hanger – pampalo. Mga magulang, sabi dito ingat kayo may baabla dito, sinasabi ko sa inyo, basa, hindi akin ito “sa langit ang kanilang mga anghel ay laging nasa harapan ng aking Ama.” (cf. Mt. 18:10)

Sige para magising kayo, itatanong ko kayo, kayong mga -ewan ko kung napansin niyo kayo naman ang nagsisimba araw-araw, pare-parehong mukha ang nakikita ko sa pare-parehong upuan, nagsisimba kayo di ba? tanong, ngayon kasi Piyesta ng mga Anghel, kailan binanggit ninyo mula sa labi ninyo -kasi kayo Amen at sumainyo din- kailan niyo binanggit ang katagang Anghel, kanina lang… ayun ang galing, bigyan ng premyo, saan iyon “kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria, sa lahat ng mga Anghel at mga Banal” pagkaamin natin ng mga kasalanan, dadagok pa tayo. “kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria, sa lahat ng mga Anghel” ayun baka natutulog kayo, kung iyon “nabanggit din yung pangalan ko, sa wakas naalala din ako” kung anghel ninyo kayo din kung nabanggit ang pangalan niyo “naalala din ako sa wakas!” ngayon alam niyo na, basta tayo’y nagsisisi sa ating mga kasalanan, humihingi tayo sa tulong ng mga Anghel.

Tama na iyon, nabanggit ko “kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria” buwan din ngayon ng Oktubre, mamaya magdadasal tayo bilang komunidad, sa komunidad natin umaga, hapon nagdadasal tayo ng Santo Rosaryo baka hindi niyo alam ito tuwing tayo’y aktibo dapat alam mo, baka kasi hindi mo naman alam basta komunidad tayo, nagdadasal, binibigyan tayo ng biyaya, ang indulhensyang plenarya. Plenarya yung total hundred percent, alam niyo ba yung hundred percent, ako kasesenior ko lang, niloloko nila ako, ulyanin na daw ako, 60 na ako may 20% discount kayong mga matatanda, alam niyo ba yung 20% discount, malaking bagay iyon diba, ito 100% ibinibigay na sa inyo, libre, ano ba kayo, wala na kayong gagastusin, porket libre, di niyo pinapansin. O kayo mga -di ba yung 20% di kayo magbabayad eh magbabayad kayo ng 80%, naiintindihan niyo ba iyon? Pera, mahirap ang pera ngayon, ito plenarya, ibig sabihin lubus-lubusan at tuwing nagdadasal tayo sa Mahal na Birhen, sermon ng sermon ako (yawns) kung alam niyo lang parang Department store iyan, mamahalin pupunta tayo sa Makati, ang mamahal doon, binibigay sa inyo ng libre, hindi ba ninyo kukunin iyan. Ito mas higit pa sa department store sa Makati ang mamahal doon, kung alam niyo lang ibinibigay ng Panginoon kaso iba yung -ewan ko ba- iba yung takbo ng utak natin.

Sana po ay tungkol sa mga maka-Diyos, tama na, magrorosaryo tayo kasi sinasabi ko “the Family that Prays together, stays together” (Ven. Patrick Peyton) ang Pamilyang nagdadasal ng sama-sama, mananatiling sama-sama. Gusto niyo ba sa pamilya ninyo ay awayan? Gusto niyo ba sa pamilya ninyo ay iwasan? Gusto niyo ba sa pamilya ninyo, kung birthday ninyo, walang bumabati? Gusto niyo ba sa graduation ninyo, walang dumadalo? Gusto niyo ba tuwing pasko, walang Noche Buena? Ang Mahal na Birhen, kapayapaan sa pamilya. Kung magdadasal po tayo ng Santo Rosaryo ng sama-sama, sana yung maraming sakit sa inyong puso, sinasabi ko na sa inyo yung sagot, sa pagsususlit, maraming pumupunta dito “sana makapasa ako sa board examination” binabasbasan pa yung envelope, binabasbasan yung mga lapis, nagpapabasbas pa, itong sa examination na ito, sinasabi ko na yung sagot, sinusubo ko na sa inyo yung sagot, maraming sa inyo na maraming “napakasakit, kuya Eddie” magrosaryo po tayo.

Sige tama na yung sermon, buwan ng Oktubre, magdasal po tayo ng Santo Rosaryo at maging deboto tayo, kaibiganin ninyo ang inyong Banal na Anghel na tagatanod, mga Anghel de la Guardia. Sa tulong ni Maria at ni San Jose at mga Anghel, isakatuparan natin ito.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s