Holy Mass for the Memorial of Saint Jerome
Homily Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar
QUIAPO CHURCH, 30 SEPTEMBER 2019
Isang magandang umaga po sa inyong lahat.
Sa panahon natin ngayon na kung saan ay talagang maraming sa aatin o sadyang umiiral iyong kailangan sikat ka, kailangan tanyag ka, kailangan ikaw ang pinakamagaling, ikaw ang may pinaka latest, kaya pag naglalabas ng mga gadget, yung mga bagong gadget talagang nag-uunahan kasi ang gusto ng lahat sila yung una at talagang ipangangalakdakan nila iyan, ipopost sa Facebook kung paanong sila yung nakauna.
Kaya ngayon sa atin pong mga pagbasa, ay tayo pong muli ay pinapaalahanan ni Kristo sa kung ano dapat ang ating maging pag-uugali. Minsan yung gma bata na mga kasama ninyo, kailangan natuturuan ng mas tama, kaya lang ngayon maging sa eskwelahan, sila ay namomotivate hindi para makatulong pagdating ng araw kundi minomotivate para mas pinakamahusay, pnakamagaling kaya ang dami nating kompetisyon na sinasalihan para yung mga bata talagang bata pa lang maging competitive na, kaya ang tingin sa lahat ay kakumpitensya.
At marahil ito yung sinasabi nga sa ating mga pagbasa dahil itong mga alagad ni Kristo narinig niya na sila mismo ay nagpapagalingan, sila mismo ay parang nag-uunahan, sino ba sa kanila ang pinakadakila, sino ba sa kanila ang pinakamagaling, pinaka[aborito, pinakamahusay na alagad. Kasi kung tutuusin sabi nga ito yung mga alagad na wala namang binatbat, ito yung mga alagad na wala namang sinabi, mga alagad na hindi pinapansin ng lipunan pero nang madikit sila kay Kristo biglang nagkapangalan, nang madikit sila kay Kristo dahil si Kristo ay sikat, sila din ay sumikat at doon nakalimutan nila agad, ano ba ang turo na nais ibigay ni Kristo sa kanila. Kaya ito, pinagsabihan ni Kristo ang mga Alagad at kungbaga sinupalpal sa mga gusto nilang mangyari, kasi hindi sila tinawag ni Kristo para maging Alagad, para maging sikat o maging mayabang o kaya naman magmayabang sa kunting tagumpay, sa kaunting kasikatan na tinatamasa nila dahil kung wala naman talaga si Kristo, hindi sila nakadikit kay Kristo, wala pa rin naman talaga sila. So dahil kay Kristo kaya sila nakilala.
Pero kailangan nating maiwasan kasi tayo din madikit tayo sa medyo sikat, feeling natin sikat na rin tayo, madikit lang tayo sa may kapangyarihan, pakiramdam natin tayo rin may kapangyarihan na, lumalaki agad ang ating mga ulo to the point na nagpapayabangan na tayo kaya wala tuloy pag-asenso, kahit ang bansa natin walang pag-asenso kasi hilaan tayo ng hilaan dahil hindi kapanalig, hindi kapartido kahit maganda ang gawain, ang sinimulan hindi ipagpapatuloy, bakit? Kasi dapat sila yung mas mamayagpag, sila yung dapat makilala, sila yung dapat na may boses, eh walang mangyayari.
Sana po binabalik tayo ni Kristo sa dapat na maging pag-uugali antin. ang mga bata na tinutukoy ni Kristo, ito po ay walang sinabi sa lipunan, ito po ay nakadepende lang sa matatanda at iyun ang paanyaya sa atin. Anumang tagumpay, anumang marating natin, manatili tayong naka-depende sa Poong Hesus Nazareno dahil ang lahat ng ito ay dahil sa kanya, dahil tayo po ay tinawag ng Poong Nazareno. Amen.