Holy Mass for the 26th Sunday in Ordinary Time (Year C)
Homily Msgr. Hernando Coronel, Rector
QUIAPO CHURCH, 29 SEPTEMBER 2019
Sa Mukha ng Poon nakasentro makikita kay dukhang Lazaro.
Pagpalain, bendisyunan, biyayaaan, bigyan tayo ng maraming grasya, maraming grasya, maraming grasya ng ating Poong Hesus Nazareno.
Sa ating pong pagbasa sa Linggong ito, ito po’y patama, unang Pagbasa Amos, Ebanghelyo ayon kay San Lukas sa mga nagpakasasa, sobrang-sobrang yaman, ito po yung deskripsyon, Unang pagbasa at Ebanghelyo; yung mayaman, napunta po siya sa Hades, napunta po siya sa Apoy at kung nasaan siya at si Lazaro may bangin, walang makakatawid, yung mga narito hindi makakapunta doon, yung mga nandon hindi makakapunta dito, malaking bangin iyan po ang kapalaran ng mayaman.
Ating unang pagbasa, paano nabubuhay itong mayayaman, una ay yung higaan, yung kanyang kama ‘wow, ang lambot-lambot, waterbed, siguro aircon, isipin niyo na lang kahit ilang beses ka rumolyo hindi ka nahuhulog sa iyong kama, yung higaan. Pangalawa yung pagkain, di lang unang pagbasa pati sa Ebanghelyo sinabi dito ay “saganang-sagana sa pagkain araw-araw” minsan ay tinignan ko yung mga buffet dito sa mga hotel, alam niyo ba kung magkano yung kuwan, presyo ng isang tao na kakain sa mga buffet sa mga hotel nito, parang department store ng pagkain libo-libo, libo-libo, di ko na sasabihin eksaktong presyo isang kainan yun ha, libo-libo sa mga hotel baka yung iba sa inyo doon kumakain ha. At yung pabango, yung mabangong-mabango siya, yung mga mamahalin, super bango, yun ang unang pagbasa.
At sa Ebanghelyo naman, idadagdag ko naman yung gma damit niya, mamahaling damit. Minsan pumunta ako dito sa Makati, yung mamahaling mall, yung damit doon, alam niyo ba damit doon PHP10,000, isang damit lang iyon. Iyun ang -ginagawa ko lang yung sa kasalukuyan, may mga nabubuhay ng ganoon, kumakain sa kainang libo-libo ang halaga ng isang kainan at nagsusuot ng damit na libo-libo ang halaga. Anong mangyayari sa kanila, unang pagbasa itatapon, sa Ebanghelyo sa Hades na apoy.
Iyon ang isang tao na hindi binigyan ng pangalan, yung pulubi si Lazaro, maraming kuwento si Hesus, marami siyang talinhaga pero ito lang ang binigyan ng pangalan, na pangalanan,itong mahirap na ito si Lazaro. Alam niyo si Hesus ay may matalik na kaibigan na si Lazaro, yung muli niyang binuhay, yung may dalawang kapatid na babae si Marta at si Maria, matalik na kaibigan niya si Lazaro. Sapagkat yung matalik na kaibigan, yung nakakaintindi sa kanya, nagkwekwentuhan sila, nagsasalo-salo sila, kaya mahalaga itong taong itong nandoon sa langit sa tabi ni Abraham at yung kahirapan niya dito sa lupa, binigyan siya ng kaginhawaan, kapayapaan, kasaganahan, pag-ibig, lambing, yakap, paghagkan ng Diyos na siyang pag-ibig.
Tama na po, dalawa lang naman ang magiging kapalaran natin kasama na ako, pwede kang mapunta doon (Hades) o sa pag-ibig ng Senor.
Tutula na po ako
Lazaro
Lazaro, may Z mahihirapan ako mamaya kasi Z La-ZA-Ro, ano kaya yung deskripsyon ko sa Z, tagalog tayo, abangan niyo
Ingat sa posporo
Saan mensahero
Gumaya ang loro
Maputi ang baro
Bato nga si Pedro
Bibliya ay libro.
Si Hesus ay guro
Ang langit ituro
Tayong lahat ay Zero
Kay Kristo, miyembro
Dapat walang pero
Dapat kang sigurado
Sa D’yos nakasentro
Tulong kay Lazaro.
Lazaro, ispeling natin ang L-A-Z-A-R-O. Anim na letra lamang Lazaro
Langit ay laging isaisip
Alagaan ang maysakit
Z ito yung mahirap, paano kaya yung Z
Zero tayo sa harap ng D’yos, yun ang Z
Abuloy sa dukha
Respeto sa mga mahihina
Obligasyon para sa mahihirap.
Ipagdadasal po natin ang mga mandaragat, mga manlalayag, yung mga nagtratrabaho sa mga barko na kapwa Pilipino sa araw na ito.
Sa tulong po ni Maria, ni San Jose at ang mga Arkanghel; San Miguel, San Rafael, San Gabriel at mga Arkanghel, nawa tayo’y maging karapat-dapat na makapasok sa kalangitan ng ating Nuestro Padre Jesus Nazareno. Amen.