Holy Mass for the 26th Sunday in Ordinary Time (Year C)
Homily Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar
QUIAPO CHURCH, 29 SEPTEMBER 2019
Isang mapagpalang Hapon po sa inyong lahat. Palakpakan natin ang Poong Hesus Nazareno [applause].
Sa atin pong Ebanghelyo, narinig po natin ang kuwento tungkol sa isang mayaman at kay Lazaro na kumakatawan sa mga nagugutom, maysakit, mga nahihirapan. Mayaman at si Lazaro, ito ay binibigay o binigay ni Kristo para isang babala o isang paala-ala para sa atin, kung tayo po ba kamusta ba tayo na yung ating pamumuhay sa araw-araw. Parang kung titignan natin sabi po yung mayaman nang siya ay mamatay naputa sa impiyerno, yung mahirap nung mamatay napunta sa langit, kaya yung tanong natin, masama ba talagang maging mayaman? Kasi yung sinapit nung mayaman ay siyaý napunta sa impiyerno nong siya’y mamatay pero hindi rin namang sinasabi sa Ebanghelyo na ito po ay masamang tao, yung mahirap so maswerte ang mahirap gaya ng sinasabi lagi ni Kristo “mapalad kayong mga nagugutom ngayon” okay na lang ba na amging mahirap tayo, hindi rin naman sinabi na yung mahirap na si Lazaro ay isang mabuting tao. So sann nga ba tayo? Paano nga ba at ano nga ba talaga ang nais ipa-alala sa atin ng Linggong ito na dapit nating mas pagnilayan, kasi kung masamang maging mayaman, eh di dapat wala nang mga pagpapala o mga messages about blessing, dapat wala nang ganon, masama pala eh.
Maraming nagpupunta dito, marmi nga ang dala-dala ngayon dito panalangin “sana magkatrabaho, sana yumaman, sana magkapera, sana tumama sa lotto” kahit nga mga senior na yun pa din ang nasa isipan, yung yumaman pa rin. Paano nga ba, paano nga ba natin to dapat ireconcile, hindi naman kasi masamamng yuamaman, kasi nga kaya nga pinagpapala ng Poong Hesus Nazareno ang mga nagdedebosyon sa kanya, marami ditong kuwento, kahapon nga lang marami ang nagdarasal kasi ngayon ang araw ng board exam at dala-dala nila yung mga papeles nila, pinapabendisyunan para makapasa dahil mayronoon silang pangarap at isa doon yumaman, makabili ng lupa, kotse at kung ano-ano pa. At sabi diba kung babalikan po natin yung Gospel nung nakalipas na Linggo ang sabi ni Kristo doon sa talinhaga “kaya’t pagsumikapan ninyo gamitin ang kayamanan ng mundong ito sa pakikipagkaibigan.” Sino bang hindi humihingi ng kayamanan dito, sino bang ayaw ng kayamanan dito, tignan po natin bakit nga ba ganon ang kuwento sa Ebanghelyo, yung mayaman nasa kanya na yung lahat, okay na yung buhay niya maayos siya, nagdaramit siya ng marangya, kumakain siya ng sagana, anong problema? Biniyayan siya ng Panginoon, ginawang masagana ang kanyang buhay pero ano nangyari sa kanya, nawalan siya ng pakialam sa kanyang kapwa, hindi na niya pinansin na mayroong mga tao sa kanyang paligid na dapat siya yung higit na may kapacidad na tumulong pero wala siyang ginawa. Ang kasalanan po natin, kapag humarap tayo sa Diyos ang itatanong sa atin “ano ang mga bagay na ginawa mo at ano ang mga bagay na hindi mo ginawa na dapat ginawa mo?”
Kaya nga nandoon yung isang tao, nakahandusay, naghihintay lang ng mumo, ng mahuhulog mula doon sa mayaman, yung tira-tira hanggang sa itoý mamatay kaya nang siya ay mamatay, yung mayaman saan napunta? Sa impiyerno, matapos magpasasa sa buhay dito sa mundo, doon naman siya naghihirap. Kaya itong si Lazaro bakit napunta sa langit, siguro pupwede nating masabi na sa kabila ng kanyang estado sa buhay, sa kabila ng kanyang paghihirap, hindi niya naisipang gumawa ng masama laban sa mayaman, puwedeng ninakawan niya yung mayaman, puwedeng pinatay niya yung mayaman para siya ay makakain pero hindi. Nagtiis hanggang siya ay mamatay, kaya nung siya’y naghihirap sa mundong ito, sa langit naman doon maginhawa ang kanyang buhay.
Sino ayaw ng biyaya dito? Sino ang ayaw yumaman dito? Lumabas na. Kasi kahit kaming mga Pari, isa iyon sa iniisip namin, yung kayamanan, yung pera, sabi naman hindi naman masama na isipin mo ito, hangarin mo ito, hindi masama. Kail;angan lang makita natin na sino ba ang may kontrol sa buhay natin, dapat na mas makita natin na tayo pa rin ba ang may kontrol sa mga kayamanan natin, sa mga ari-arian natin o tayo na ang kinokontrol ng mga bagay na ito na pagkaminsan tako na takot tayong mawala ito kaya nga ganon na lang imbes na mapagbigay nagiging madamot tayo. Kung kailan yumayaman tayo, kung kailan binibiyayaan tayo doon tayo mas nagiging madamot at nawawalan tayo ng pakialam sa iba. Kaya nga meron tayong tinatawag na “Social Sin” kasalanan ng lipunan, ng maraming nagpapayaman smaantalang mas marami ang nagugutom. Kaya pakatandaan po natin mga kapatid, sabi nga kung babalikan din sa unang pagbasa sa aklat ni Propeta Amos ito yung pinapaala niya na “kayo na mga namumuhay sa karangyaan ngayon ang lalaki na ng inyong iniinuman” hindi kayo makuntento, namumuhay kayo sa kasaganaan na aprang wala kayong pakialam sa mga tao na naghihirap. Kaya ang paalala din ni San Pablo sa kanyang unang sulat kay Timoteo ang sabi “pairalin ninyo kung talagang kayo’y nananampalataya kay Kristo, pairalin ninyo ang katarungan, katapatan, pagbibigayan, pag-ibig kung talagang nananalig ka at nanampalataya sa Poong Nazareno.” Walang nagdebosyon sa Poong Nazareno ang pinabayaan, walang nagdebosyon sa Poong Hesus Nazareno ang naghirap.
Bakit ganoon Father ilan taong na po ako nagdedebosyon, naglilingkod pa nga ako sa Simbahan, eh baka tamad ka, baka inaasa mo na lang, diba nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa’, kailangan mong kumilos at tiyakin mo na hindi ka mandaraya. Deboto ng Nazareno dasal nang dasal pero hindi naman patas sa pagbibigay, tandaan mo binibiyayaan ka ng Poong Hesus Nazareno para maging biyaya ka sa iba.
Minsan maganda ding mapagnilayan, ngayon po 7 years na po akong Pari at talagang hindi ko sasabihin at hindi ko masasabing pinabayaan ako ng Diyos, mapamateryal man yan na bagay, hindi naging madamot ang Diyos sa akin pero kailangan ko ding pagnilayan ito bang mga biyayang ito na ibinibigay sa akin ay naibibigay din sa iba kasi wala naman talaga akong pag-aari na dapat kong sabihin “akin ito, bigay ito sa akin okay” totoo binigay ito ng Diyos hindi para sarilinin, ibinigay ito ng Diyos para sa iba na mas higit na nangangailangan kasi kung sa akin, hindi ako pababayaan ng Diyos.
Sabihin niyo nga po “hindi ako pababayaan ng Diyos” yung mas malakas naman “hindi ako pababayaan ng Diyos.” Diyos ang bahala sa iyo, maging sa pangangailangan natin Diyos ang bahala diyan kaya kung sasabihin mo “binibiyayaan ako ng Diyos, salamat sa Diyos” biyaya ng Diyos iyan sa iyo para ikaw ang gagamitin niyang maging biyaya sa mga Lazaro sa paligid natin na nangangailangan ma-reach out o maabot natin pwedeng pamilya mo, kaibigan mo, mga taong nasasalanta, mga taong napapabayaan ng lipunan, tayo meron tayong responsibilidad, meron tayong obligasyon at misyon na tulungan sila dahil pag sumapit ang araw na tayo po ay mamamatay kailangan sana ano lahat tayo kapiling ni Lazarus doon sa langit. Mahirap doon, mainit, may pagitan sabi nga hindi na makakapunta diyan ang mga naririto at yung mga nariyan, di na makakapunta dito, tapos na, may hangganan na, may pagitan na, pero ngayon habang nandidito tayo sa lupa mayroon pa tayong pagkakataong mag-connect sa isa’t-isa.
Muli sabi nung Gospel last week “gamitin ang kayamanan ng mundong ito para sa pakikipag kapwa tao.” Huwag mong at huwag nating gagamitin ang mga tao para tayo magkaroon ng kayamanan. Amen.