Holy Mass for the Feast of St. Lorenzo Ruiz de Manila and Companions
Homily by Msgr. Hernando Coronel, Rectot
QUIAPO CHURCH, 28 SEPTEMBER 2019
Nawa pagkalooban po tayo ng lakas ng loob upang tuparin natin ang kalooban ng ating Panginoong Diyos sa atin pangaraw-araw na buhay.
Ngayon po ay kapistahan, ginugunita po natin ang kapistahan ng ating unang Santo sa Langit, si San Lorenzo Ruiz, hindi po siya pari, siya po’y layko katulad ninyo, meron siyang pamilya, siya’y nagin katekista, siya’y dito sa Binondo mamaya’y pupunta ako sa Binondo para magdasal kay San Lorenzo Ruiz at sa mga kasamahang Martir para sa intensyon ng ating Traslacion, kahapon naman dito ako sa may San Marcellino, kapistahan ni San Vicente de Paul at bukas kapistahan dito sa San Miguel, San Miguel Arkanghel at mga kasamang Arkanghel.
Si San Lorenzo Ruiz ay nag-alay ng buhay sa Japan kasama ang mga Misyonero, karamihan ay mga Dominikano at doon sinubukan si San Lorenzo Ruiz “oh, hindi ka naman Pari, itatwa mo na itong paniniwala mo” kasi noon ay naku eksperto sila sa kasadistahan, yung pagpaparusa, noon ay nilulublob pa sa tubig -marunong sila, yung mga magparusa, yung pahihirapan ka, ilulublob ka pa sa tubig tapos yung kuko mo naku, huhugutin nila para -ito po’y napakasakit pero si San Lorenzo Ruiz, sinabi niya (referring to the tormentors) “itatatwa mo na ba? iiwan mo naba si Hesus?” sabi ni San Lorenzo Ruiz “sanlibo man ang aking buhay, bawat isa sa mga buhay nito ay para kay Hesus” Sanlibo man ang buhay ko ay para sa Panginoon.
Maganda po itong halimbawa nito mga kapatid, kung tayo’y sinubukan, kung ako naku, kunting hirap na lang baka isipin, sarili, yung mga millenial ngayon, alam niyo yung expression ng mga millenial, konting hirap lang, konting stress, pinapaypay ang sarili, hindi sanay sa hirap, marami, kay Lorenzo naku, talagang maraming mga yugto ng pagsubok at paghihirap, yung iba sa atin una palang “hindi ko nakaya, suko na ako, itatatwa ko na sige na, sino bang Hesus na iyan? Sarili ko na lang” buhay pa ako.
Si lorenzo po tinuturo po tayo na -ito pong Ebanghelyo ngayon, si Hesus -ang Ebenghelyo ayon kay San Lukas idugtong ko po, si Hesus pinapaliwanag yung pinaka-central na pagtuturo, ang kanyang misteryong Pascual na kailangan ng Anak ng Taong magbata ng hirap, sumailalim sa Pasyon, mamatay at sa ikatlong araw mabuhay na mag-uli sa ikatlong araw. Hindi naman naintindihan ng mga nakikinig, wala namang nag-taas ng kamay, “pwede bang ipaliwanag ninyo kung anong sinabi niyong napakahalaga?” nahihiya sila pero ito’y pinaka, kung ano -nandito tayo, nagmimisa akong madaling araw o laya nandito ako, sumusnod tayo sa Senyor, ano ba ang sinasabi ng Senyor, ito sinabi sa kanila, basa, makinig kayo, alam ko madaling araw pa inaantok pa kayo: “Tandaan ninyo itong sasabihin ko: ipagkakanulo ang Anak ng Tao.” Ano iyon? Alam mo ba yung sinasabi nito? Wala namang buwan at sinabi dito, basa “wala namng Nangangamba na magtanong sa kanya kung ano ang ibig sabihin nun.” Ang ibig sabihin po ay darating ang ating tagumpay, darating ang ating kaluwalhatian pero bago iyon dadaan tayo sa pagsubok, dadaan tayo sa maraming hamon, dadaan tayo sa mga krus ng sarili natin at isa’t-isa, ipagkakanulo ang Pasyon, ang kamatayan at kadugtong nito ang tagumpay ng muling pagkabuhay.
Si San Lorenzo Ruiz ay nag-alay ng buhay at isama din natin sapagkat itong Basilika Minore ay may dedikasyon, may plenaryong indulhensya, kapag kayo’y nagsisimba magdasal kayo para sa Santo Papa, sapagkat ito -ewan ko kung naabutan nung mga may edad na dito, kasi iba itong Simbahan na ito ang naalala ko yung maraming mga poste dito, bawat poste may mga Santo, maliit pa ang Simbahan, ngayon malaki na, yung mga nakakaalala sa inyo yung Quiapo Church noon, naabutan ko iyon, ngayon bago na ang ating Simbahan, Basilika Minore, ngayon ang Anibersaryo ng Dedikasyon, ang Dedikasyon sa Kapistahan ni San Lorenzo Ruiz kaya ipinagkakaloob ng inang Simbahan sa Anibersaryo ng Dedikasyon ng Simbahan, isang magandang biyaya, isang indulhensyang plenarya sa araw na ito.
Sa tulong ni Maria, ni San Jose at ni San Lorenzo Ruiz at mga kasamang Martir, nawa’y tayo’y dalisay at tapat na Deboto ng Poong Senor. Amen.