Holy Mass for the Memorial of St. Vincent de Paul
Homily by Msgr. Hernando Coronel, Rectot
QUIAPO CHURCH, 27 SEPTEMBER 2019
Nawa lagi po tayong biyayaan, basbasan, pagkalooban ng maraming grasya, maraming grasya, maraming grasya at mga pagpapala ng ating Poong Hesukristo.
Isariwa po natin ang ating debosyon sa Poong Senor, tayo po’y mga deboto, tayo po’y naririto umagang-umaga upang tumanaw ng utang na loob sa ating pinakamamahal na Poong Senor. Pakiusap ko po sa inyo, ang ating komunidad ay naghahanda na para sa ating nalalapit na Traslacion, Septyembre na malapit na bagama’t may kalayuan pa, kailangan nating paghandaan ito. Ito para sa akin personal, dahil ngayon ay Kapistahan ni San Vicente de Paul, dumadalaw sa ating malalapit na Simbahan mga Parokyang komunidad, itong katapusan ng Septyembre at turo ng inang Simbahan basta dumadalaw tayo sa Simbahan sa Pista ng Santo, pinagkakalooban po tayo ng napakalaking biyaya, isang indulhensyang plenarya, kaya ngayong ika-27 ng Septyembre, dito po sa San Marcellino sa may Unibersidad ng Adamson, ang Simbahan ni San Vicente de Paul, dadalaw tayo, tayo po’y hihingi sa Diyos na sa intersesyopn ni San Vicente de Paul na babasbasan ang ating Traslacion. Bukas naman Sabado, dito naman sa Binondo, Kapistahan ng ating unang Pilipinong Santo, San Lorenzo Ruiz, kaya maglakad-lakad tayo na malalakas ang inyong tuhod at paa at sa Linggo naman, malapit din, Kapistahan ni San Miguel Arkanghel at mga kasamang Arkanghel.
Mga kapatid, ito po ay medyo dumadalaw tayo alang-alang upang ang ating Traslacion ay maging matagumpay, ligtas at makahulugan. Alang-alang po sa Debosyon natin sa Poong Senor, ito po tayo magkakapatid, lumalawak, lumalaking komunidad, isang uniberso ng Nazareno, magdasal po tayo sa isat-isa at kolektibong inilalahad ang Pananlangin sa kanyang paanan.
Unang pagbasa, sino ba itong Propetang Ageo? Hindi siya yung tanyag sa ingles “Haggai” sino ba iyon? Ano ba ang gusto niyang sabihin, ika nga may taong mahiyain, bihira mong marinig “oh brad, ano ang gusto mong ibahagi” pakinggan naman natin itong si Propetang Ageo sa Ingles Propetang Haggai, ito sabi niya “ang Israel ilang dekadang wala sa sariling bayan, nasa kaptibidad sa imperyong Babilonia” matagal po dahil sa kasalanan nila. Parusa ito, natapon sila nasa kaptibidad sila, sila’y alipin ng isang banyagang makapangyaring poder at ngayon, nakabalik na sila sa wakas, balikbayan at nung una “sige balik tayo muli nating itayo ang bahay ng Diyos!” Aba ang ganda ano, anong nangyari? Itong Propetang Ageo na bihira magsalita, ano nangyari, imbes na asikasuhin ang paggawa ng Templo ng Diyos, ang bahay ng Diyos anong unang inuna, sariling bahay! Maganda ang kanilang mga ‘dreamhouse’ ‘condo unit’, yung parang -habang yung nakatiwangwang ang Dambana ng Diyos, akala mo ba nagbago yung tao? Hindi! Ito lagi pagpili: Diyos, ang Panginoon o Sarili. Sa contexto natin, kahit na anong antas natin sa buhay o bahay. Ilang beses na ako naimibita sa mga Housewarming, nako yung mga naimbitang mga kapitbahay, naglalaway sa inggit “oh ang ganda-ganda ng bahay niya” tayong mga Pilipino, ganon diba, sasabihin “bakit sila magandang bahay, malaki, bago, kumpleto ang kagamitan, eh tayo” dahil sa yabang at may kalapit na inggit, inuunang sarili “oh magana bahay ko, inggit kayo” papaano ang Panginoon “bahala na kayo.”
Paalala, hindi ikaw, hindi ako, kung hindi ang Panginoon, ito ngayon lang nagsasalita itong Propetong Ageo ang sabi niya “hindi ikaw, hindi ako kung hindi ang Diyos” maliwanag ba? Ewan ko kung pakikinggan, noon hindi balik na naman sa dati, makasarili.
Dumako po ako sa ating Ebanghelyo ayon kay San Lukas, kaya po mahalaga yung turo, nag-aaral yung Doktrina kasi kung tama ang nandito yung pagkilos at pagsasalita tama din, yun ang pinaka pundasyon, kung mali yung pundasyon mo o alanganin o taliwas kung anong sabihin, kung anong gawa mo, mali din. Kaya ang tanong, sino ba ang Senor? Ano ang kanyang pamamaraan? Karamihan sa mga tinanong sa apat na tinanong, tatlong sagot mali. “Sino daw ako? Sino ba ako” “si kuwan kayo” mali, isa lamang si San Pedro ang ating unang Santo Papa, kilala niya kung sino si Hesus “kayo po ang Mesiyas, galing sa Diyos, galing sa Langit, tagapagligtas ng aming kasalanan” iyan ang buong katotohanan, hindi lamang sa grade… 50, 60, eh failing iyon, hindi lang 75 – passing, dapat 100%.
“Kayo po ay galing sa langit at nagmula kayo sa langit upang iligtas kaming makasalanan. Kayo po” -ito sabi ni Pedro “kayo po ang Mesiyas ng Diyos” at ano ang kanyang pamamaraan, papetiil-petik ba, pabanjing-banjing ba, paaircon-aircon na lang, nandon lang tayo sa ating magandang mansyon, nagbabakasyon “oh drayber, oh alipin” at sinabi niya, dinugtng niya “ang Anak ng Tao ay kailangang magbata ng hirap, pararausahan, papatayin nila ako ngunit hindi nila maintindihan, ikatlong araw, mabubuhay na mag-uli.” Ito po ang daan ng ating Poong Senor.
Kaya yung sarili po natin, tayong mga deboto ng Senor, lalabanan natin ang ating pagkamakasarili, tanggapin natin ang ating Krus. Ito may mga bisita ako kahapon, matagal ko na silang hindi nakita noong nag-aaral pa kami, eh sa hirap ng buhay “ano ba, ano ba?” marami silang tanong pa, eh ako Pari, ito mga kapatid, yung Krus natin, magtulongtulong po tayo, mahirap po ang buhay, minsan ang buhay madilim na, itong problema na ito, itong suliraning ito, itong dinadala natin, tulungan natin ang isa’t-isa upang sa araw na ito -yung iba talagang desperado na, kaya nga pumupunta sa Quiapo, bigyan sila natin ng lakas upang tumagal ng araw na may pag-asa pa, nandyan tayo para sa isa’t isa, hindi lang ito payo, hindi lamang ito abiso, hindi lamang ito sermon, nandyan ka lamang upang samahan, ito po ginagawa ni Kristo, kaya nga bumaba ang Senor sa gitna natin upang sa ating mga Krus -yung iba ay nahuhuli na, yung iba ay napagiiwanan na, yung iba’y ewan ko kung may pag-asa pa, meron pa. Kaya nga bilang isang komunidad ng Nazareno at nakikita natin ang ating Senor na nagdadala ng mabigat na Krus, nabibigyan tayo ng dahilan upang magpatuloy pa.
Ang Diyos po -ang Santo po natin mamaya pupunta ako sa Adamson, sa San Marcellino, iwinaksi niya, mabait na Pari ito, sana matularan po namin, matularan ko at unahin mo na muna, hindi ang sarili, dalawang bagay sabi ni San Vicente de Paul: ang Pagtulong sa mga mahihirap at paghubog sa mga Pari. Iyan ang dalawang apostolado niya, si San Vicente de Paul iyan ang kasing kagustuhan ng Diyos, kalimutan mo na ang lahat, tumulong ka sa mga napagiwanan na, tulungan mo yung mga maralita at nakikita mo si Hesus sa kanila at syempre si Hesus nasaan? Hinahanap mo si Hesus sa mga Pari, sa mga marurupok, sa mga mahabang mag-sermon katulad ko, sa mga matatanda na, magiging Senior Citizen na po ako, nakikita niya si Hesus sa Pari, paglingkuran at sa mga mahihirap doon ito yung taong kinakalimutan ang sarili at hinahanap si Hesus, okay po ba.
Sa tulong ni Maria, at ni San Jose, nawa tayong mga Deboto, sariwain ang ating debosyon, hanapin natin kung nasaan siya bilang pagmamahal sa ating Nuestro Padre Jesus Nazareno. Amen.