Quiapo Church 26 September 2019 – 8am Holy Mass Homily

bandicam 2019-09-26 10-58-32-530

Holy Mass for the 25th Thursday in Ordinary Time (Year C)

Homily by Fr. Daniel Hui

QUIAPO CHURCH, 26 SEPTEMBER 2019

Isang magandang umaga po sa inyong lahat.

Magandang aral ang ibinibigay sa atin ng Ebanghelyo natin, isang aral na ipinapahiwatig sa pamamagitan ng isang taong makasalanan. Ang makasalanan pala, kahit na gaano karumal-dumal ang kanyang nagawa, mayroon pa rin tayong matututunan, mayroon tayong matututunan kahit sa isang taon makasalanan. Narinig natin si Herodes, nabagabag ng marinig niyang mayroong isang tao na gumagawa ng mabuti sa katauhan ni Hesus.

Kung babalikan natin ang kuwento, si Herodes ang nag-utos na ipapatay si Juan Bautista, siya ang nag-utos na papugutan ng ulo si Juan Bautista sa pamamagitan ng kahilingan ng nanay ni Salome na minsang magustuhan niya ang sayaw nito, sinabi niya kay Salome “hilingin mo anuman ang iyong nais at ibibigay ko sa iyo” at ganon nga, hiningi ni Salome sa pamamagitan naman ng kanyang ina ang ulo ni Juan Bautista. Kaya sa huli, kung titignan natin, si Herodes pa rin ang nagpapatay kay Juan Bautista ngunit kahit isang taong makasalanan, kjahit karumal-dumal o sukdulan ang nagawang kasalanan, narinig natin pinagsumikapan niyang hanapin si Hesus.

Maging ito rin ang aral sa atin, anuman ang iyong kasalanan, anuman ang iyong nagawang mali, anumang karumal-dumal o lala ng iyong pagkakamali, huwag mong layuan ang Diyos, huwag mong takbuhan, huwag mong taguan kundi mas lalo pa nating hanapin at pagsumikapan na lapitan.

Ito naman ang itinuturo sa atin ng Simbahan sa ating lahat, kaya kahit na anong pagkakasala ng tao, kahit anong grabe ang nagawa ng tao, patuloy pa ring nagpapatawad at nagbibigay ng panibagong pagkakataon ang Simbahan para sa mga taong nagnanais magbago at humingi ng kapatawaran, ang simbahan kinamumuhian ang aksalanan pero hini ang taong nagkakasala kaya hindi tayo sang-ayon sa pagpatay, kaya patuloy pa rin tayong umaakap at tumatanggap sa mga taong humihingi ng kapatawaran at nais magbago.

Katulad ni Herodes, matutunan nawa natin na lumapit at pagsumikapang hanapin ang Diyos kahit na tayo ay mga makasalanan. Amen.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s