Holy Mass for the 25th Tuesday in Ordinary Time (Year C)
Homily Msgr. Hernando Coronel, Rector
QUIAPO CHURCH, 24 SEPTEMBER 2019
Nawa tuparin natin ang kalooban ng Diyos sa ating pangaraw-araw na buhay. Pagnilayan po natin ang Salita ng Diyos.
Ang ating unang pagbasa, aba hinidi na po tayo sa bagong tipan, bumabalik na tayo sa lumang tipan, sa aklat ni Ezra, ano yung kuwento nito? Tapos na po yung kaptibidad, pagkatapon sa Babilonia parang matagal kang nawala, mahigit sa limang dekada na sila’y natapon sa malayong kaharian at ngayon nakabalik na sila at tumatayo, binabalik nila ang templo ng Panginoon, ang bahay ng Diyos, iyan ang pinaguusapan nila. Magsimula ulit tayo, eh kaya naman natapon dahil sa kasalanan at kung may kasalanan may malaking parusa, pagbabayaran mo iya, pagsisisihan mo iyan kaya matuto na. Iyan po ang aral sa unang pagbasa. Ang kasalanan may kabayaran.
Kay sa San Lukas naman, Ebanghelyo, sino -dito sa Katolikong tradition, wala pong akaptid si Hesus, ito’y tinatawag na mga kamag-anak, may patungkol dito sa ating Mahal na Birheng Maria, hindi ito pagtatanggi sa Mahal na Birheng Maria, sina ang aking nanay? Siyang nakikinig sa Salita ng Diyos, lagi kong sinasabi iyan sa simula ng Homilya. Sinumang nakikinig sa Salita ng Diyos at tumutupad nito ay aking ina at mga kamag-anak. Kasi alam natin si Mama Mary, siya po ang ina, siya po yung – sa Siyam na buwan- siya po ang nagbigay-silang, totoo nanay iyan, iyan ang kadalasang alam natin. Sino ang aking nanay? Sino ang aking ina? Siya ang nakikinig sa Salita ng Diyos at tumutupad nito at si ating Mahal na Nanay sa langit walang kasalanan, walang bahid dungis, sapagkat ang kanyang buong buhay, kanyang buong pag-iral, nakikinig sa Salita ng Diyos, sabi nga ni San Agustin “bago pa ipinaglihi ni Maria si Hesus sa kanyang tiyan, ipinaglihi na si Hesus sa kanyang puso” (St. Augustine, Discourses, 215, 4) sapagkat siya’y nagninilay sa Salita ng Diyos, kaya’t pagdating ng Arkanghel Gabriel sa kanya, natural na lamang, hindi yung nagulat ‘ha! Sino ka?’ kung parang banyaga ang makalangit na bagay, para kang natutunaw ka para sa Simbahan, parang nalulusaw ka. Si Maria po ay wagas, kaya nga parang natural na lamang, kaya ay pagdating ay magkaisa na ang kalooban ng tao at ng Diyos.
Sinuman ang – kaya nga mayroon tayong sa Latin “Fiat Voluntas Tua” ewan ko sa mga may edad sa inyo may kotse pa noon ang tawag Fiat, sa Italiya kotse noon Fiat, galing iyan sa “Fiat Voluntas Tua” ano iyon? Latin “maganap nawa sa akin ayon sa wika mo” kahit na yung mga kanta ng Beatles “Let it be” ano iyun? Hindi ako kakanta, mahirap kumanta sa umaga, yung kanta ng Beatles “Let it be” ‘let it be done to me according to your word’. Kaya nga sinuman ang nakinig at tumanggap nito, maganap nawa sa akin ayn sa wika mo, sa ingles “let it be done to me according to your word” sa Latin “Fiat Voluntas Tua” ito ay aking nanay. Ako hindi ako pwedeng maging nanay, eh Lalaki ako, ikaw rin wally, si Alex ba, ayun nagninilay dahil lalaki tayo yung mga babae pwede bang maging nanay? May nauna na, ano ito Sweepstakes? Hindi po iyan ang kahulugan, sinong aking Nanay, sinong aking kamag-anak, sinong aking kapamilya, sinong aking angkan, hindi ito batay sa dugo, nakalagay duto kay San Lukas “makinig at tuparin ang Salita ng Diyos.” Para maging kasama tayo sa pamilya at komunidad ni Hesus.
Sa tulong po ni Maria, ni San Jose. Amen.