Quiapo Church 23 September 2019 – 12.15pm Holy Mass Homily

bandicam 2019-09-23 15-49-45-410.jpg

Holy Mass for the Memorial of St. Pio di Pietrelcina

Homily by Msgr. Hernando Coronel, Rector

QUIAPO CHURCH, 23 SEPTEMBER 2019

Nawa’y lagi tayong biyayaan, bendisyunan, pagpalain, pagkalooban ng maraming grasya ng Panginoong Hesukristo. Pagnilayan po natin ang ating mga pagbasa.

Ating unang pagbasa, aba hinidi na tayo sa bagong tipan, nalipat na po tayo -may panibago tayong pagbasa, pumunta tayo sa lumang tipan, sa aklat ni Esdras, ano ang sinasabi ng Diyos, anong kuwento doon, matagal na ang Israel sa kaptibidad, yung pagkatapon sa Babilonia naku, ilang dekada sila doon at ngayon aalis na sila. Tinalo na yung Babilonia ng panibagong kaharian na mas malakas at mabait sa mga Hudyo, pinanababalik na sila sa Israel, bumalik na kayo at itayo ninyo ang templo ng Panginoon, ang bahay ng Diyos kaya ang -parang nagbabalik bayan sila, matagal na silang nawala sa kanilang tahanan, ngayon ay masayang babalik na sila. Sana po sa atin na nandoon tayo sa kaptibidad, pagkaalipin, pagkatapon, eh ngayon, babalik na tayo sa bahay.

Sa ating Ebanghelyo ayon kay San Lukas, kung mayroon tayong talento na ibinigay ng Pangioon, hindi po ito itinatago, bakit ba ikinahihya ba ninyo? ano ba ang tingin niyo sa sarili niyo? Hindi kayo… “wala naman ako, sino ba ako?” hindi ba tayo -hindi niyo ba itinuturing na anak ng Diyos, ang ilaw ay inilalagay hindi sa ilalim ng higaan, kung kandila iyan di nasunog na iyon, nandon sa taas, sa mesa para magbigay liwanag sa lahat, magbigay halimbawa, magbigay inspirasyon, iyan po ang hamon po. Marami itong mga dugtong-dugtong na aral, wala pong -oh marami kang sikreto, marami kang lihim, marami kang tinatago, bakit ganyan ang mga mukha ninyo, marami tayong mga tinatago, magkakabukingan, magkakaalaman. Kung hindi ka bukas -takip, tago, tago, lagay sa ilalim ng higaan, tago, magtakip, magkunwari, magkakaalaman po. Kaya nga ang hamon sa atin ay maging tunay, maging autentiko, maging bukas at kung -lahat tayo makasalanan sabihin mo “ako’y makasalanan, patawarin mo ako Panginoon, inaamin ko, inaako ko, kailangang kong ayusin, kailangan kong pagbayaran ito. Masama ako, madumi ako, mabaho ako sa harap niyo. Linisin niyo ako, gawing mabango.”

Tama na yung sermon, kanina pong madaling araw, pumunta ako sa Sto. Tomas, Batangas sa Pambansang Dambana ni San Padre Pio, debosyon ko po ito taon-taon para sa Traslacion. pinagdasal po natin, maraming tao po doon at ipapaubaya natin marami pong kababalaghan si Padre Pio, marami siyang tinulungan, lumapit po tayo kay Padre Pio, ang pangalan niya ay San Pio ng Pietrelcina, yung ang opisyal sa Liturhiya, si San Padre Pio na yung may mga pangagailangan sa atin, yung mga kailangan ilapit sa Panginoon, malaki po ang tulong ni San Padre Pio at gayundin nagpapaslamat po ako sa inyo kasi madaling araw ako umalis, kagabi din at nung isang araw, pangatlong araw -bibilisan ko po ang aking homiliya para kasi last day na ng ating pamimintuho, veneracion sa blood relic ni Papa San Juan Pablo II, siya po ang magbigay inspirasyon sa atin lalung-lalo na sa ating mga kabataan, upang ang ating mga kabataan -alam niyo naman sa mundong ito ay tumahak sila sa tamang landasin, ang mga tila mas marami kasing mga pinagpipilaan ngayon, di po ba? At ang maraming pinagpipilian, karamihan ay hindi maganda. Piliin nila ang patungo kay Hesus.

Sa tulong po ni Maria, ni San Jose, ni San Padre Pio at ni San Juan Pablo II tayo’y laging masuniring alagad ng Poong Senor. Amen.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s