Holy Mass for the 25th Sunday in Ordinary Time (Year C)
Homily Msgr. Hernando Coronel, Rector
QUIAPO CHURCH, 22 SEPTEMBER 2019
Hesus s’yang huwaran dapat paglingkuran.
Nawa’y pagkalooban tayo ng maraming pagpapala, pagbebendisyon, amraming biyaya at maraming grasya ng ating Panginoong Hesukristo.
Hinahamon ko po tayong lahat na tayo’y maglingkod, paglingkuran… tahimik, patago. Ang nakakaalam lamang ang nasa taas, walang lugar yung pagyayabang, paglilista kung ano ang ginawa para maimpress ang iba. Ano ang ginagawa ng lingkod? Ano ang ginagawa ng katiwala? Ano ba itong buhay na ito, tahimik lang. Sa ating Salita ng Diyos una, ang naglilingkod ay nag-aalaga sa mga aba, sa mga mahihina, sa mga mahihirap.
Sa ating unang pagbasa sa Propeta Amos, ang mga medyo nahuhuli sa buhay, ang mga napagiiwanan na sa buhay na ito ay iyong hinihintay, iyong tinutulungan, ikaw rin ay sa takbuhan sa buhay ay -yung mga mayayaman nandon na sila nangunguna, nagpapakasasa, nandadaya sa timbang, sa takalan kaya kumikita ng marami iyan eh, yung mga mayayaman sige, ang katiwala ay “teka lang, medyo kawawa naman ito, huminto naman ako” at sinabi “ang pinagkatiwalaan sa mga mahihina, sa mga maliliit ay pagkakatiwalaan sa mas malaki.”
May tiwala ka ba sa tao? Mapagkakatiwalaan ba iyan? o mandaraya iyan? Malalaman mo iyan, una pinagkatiwalaan tayo, inintrega sa iyo, simula muna sa mga maliliit, mahihina. Pangalawa sa ating pangalawang pagbasa sa unang sulat ni San Pablo kay Timoteo, ang pinagkatiwalaan yung Alagad, tinuturo ang daan sa langit, pinagdadasal -tahimik siya- nagdadasal, ang dasal niya maligtas ang lahat, maligtas ang lahat makapunta sa langit, lahat makapasok sa kaharian. Iniisip niya yung buhay sa kabila at hindi lamang sa sarili niya, sa mga inintrega sa kanya, sa mga pinagkatiwala sa kanya, lahat kaya iba itong perspektibong ito una, ulitin ko po, yung tahimik na katiwala, sino ba ang mahina dito? Pangalawa, yung pinagkatiwalaan ng Senor, dami natin, pero magdadasal tayo para sa katubusan ng lahat, hindi lamang 80%, hindi lamang 90%, hindi lamang 95% bagamat mataas na bilang na ito, hindi ito negosyo, lahat.
At sinabi sa ating Ebanghelyo ayon kay San Lukas, ang katiwala na tumutulong sa mahihina, sa maliliit na makalangit ang kanyang pananaw, ang tukso ng pera, ang kaningningan ng ginto, pilak at tanso nakasisilaw, hindi ka makakapagsagwan, hindi ka pwedeng lumangoy, mamangka sa dalawang ilog. Diyos at ang pera, mahirap iyan, tatakbo ka, o tatakbo ka doon, hindi mo kaya, pipili ka talaga. Yung iba “okay ‘to ah, okay iyan, okay iyun.” Sa simula pa ang Senor lamang, ang Senor lamang.
Ito po’y hamon sa mga natutukso, sa mga akit, eh nung isang araw, -yung mga nasa harap- pinaguusapan ko ang Panginoong Hesukristo pero kung aalukan kayo ng 1 Milyong piso -oh bigalang nagising kayo, yung mga nasa harapan nagtinginan, gumalaw yung mga katawan ninyo, iyun po ang ibig kong sabihin, nagising, pag yung Senor (yawns) kung isang milyong piso o mahigit pa (acts to be excited). Iyun po mga kapatid, tingnan natin ang ating reaksyon.
Ito lang po mga kapatid paalala upang paglingkuran natin ang Senor ng wagas. Tutula na po ako.
Paglingkuran
Ingat sa tawiran,
Tingnan kalakaran,
Bantay sa likuran
Ang kapaligiran
At ang kabukiran
Tungong paliparan
Lakad sa kanluran
At magsapalaran.
Gamit ng katwiran
Di kabaligtaran
Kanyang patakaran
Kami ay paboran
D’yos ang kapalaran
At s’yang katuparan
Kristo s’yang huwaran
S’yang paglilingkuran.
Mahabahaba ito Paglilingkuran, Ispellenging P-A-G-L-I-L-I-N-G-K-U-R-A-N
Panginoon lamang
Alerto
Ginaganap ang tungkulin
Laging tapat
Isa ang sisilbihan
Nanatiling matibay
Gumagalng
Kusang palo
Umiiwas sa Diyos-diyosan
Responsable
Asikaso ang gawa
Nanatiling matatag.
Sa tulong po ng Mahal na Birheng Maria at ni San Jose, nawa’y tayo mga katiwalang mga alagad na nagmamahal sa ating Nuestro Padre Jesus Nazareno. Amen.