Quiapo Church 21 September 2019 – 12.15pm Holy Mass Homily

bandicam 2019-09-21 18-27-30-963.jpg

Holy Mass for the Feast of St. Matthew, Apostle and Evangelist

Homily by Fr. Mark Munda

Quiapo Church, 21 September 2019

Magandang tanghali po sa inyong lahat, noong ang ating Santo Papa si Cardinal Bergoglio ay nahalal na Santo Papa, ginamit niya yung larawan ni San Mateo bilang -sa kanyang pagkakaappoint- sinabi niya, siya’y hinirang kahit hindi karapat-dapat. At ito yung larawan ni San Mateo sa pagpili sa kanya, na makita natin si Mateo at tinawag kahit hindi karapat-dapat.

At makita natin mayroong isang magaling na magpintura o magpaint na inilarawan niya ang buhay ni San Mateo sa tatlong phase at yung tatlong -ito’y makita sa isang Simbahan sa Roma at doon nagdasal si Pope Francis at kanyang ginamit itong larawang ito sa kanyang pagiging Santo Papa, sinabi niya may tatlong parte ng buhay si San Mateo; yung una yung pagtawag, pinakita dito na sa painting na ito yung pagtawag kay Mateo duon sa paningilan ng buwis. Yung pangalwa, ipinakita niya si Mateo nagsusulat, kaya alam natin si San Mateo ang may akda o masasabi natin ang sumulat ng Ebanghelyo ayon kay Mateo. At yung panghuli, ito yung buhay ni Mateo nung siya ay naging Martir at nakatingin siya sa langit at sinasabing tinatawag siya ng Diyos.

Makikita natin sa bawat painting na iyon, makita natin ang malaking pagkakaiba mula sa kadiliman, lumiliwanag yung painting, napakaganda mula sa madilim, nakita sa bandang huli may kidlat na napakaliwanag, ipinakita ang buhay ni Mateo mula sa kadiliman hanggang nakamit niya ang tunay na kaliwanagan.

Una makita natin si Mateo ay isang maniningil ng buwis, nung mga panaho na iyon sinasabing siya’y “public sinner” talagang kanyang inaalimustasya ng mga kanyang kababayan dahil bilang isang masabi natin tax collector, ikaw ay masabi nating traydor sa bayan at hindi lang sa bayan, pati sa Diyos. Kaya nga kinasusuklaman siya hindi lang ng kanyang kababayan, ng lahat ng tao, sinasabing siya’y makasalanan dahil hindi lang doon, lahat ng maninigil ng buwis ay nandadaya nung mga panahong iyon, kaya nga sila’y nangaapi at sinasabi nating sila’y kinasusuklaman ng kanilang mga kapwa tao.

At dito, makikita natin sa Banal na Ebanghelyo, kung paanong nagulat ang napakarami nung si Kristo ay nakisalamuha sa kanila at hindi pa dito nung tinawag si Mateo bilang tagasunod ni Kristo at dito makikita natin yung pagtawag kay Mateo ay masasabi nating isang malaking hakbang kay Kristo dahil tinignan niya si Mateo hindi dahil sa kanyang kasalanan pero sa kanyang magagawa, tinignan niya si Mateo hindi dahil sa kanyang posisyon sa buhay pero tinignan nya kung ano ang kanyang magiging future, dahil kay Hesus hindi importante yung kasalanan, ang importante yung pagbabalik-loob at yung paggamit ng iyong masabi nating panampalataya sa ikabubuti ng lahat.

At ito si Mateo, hindi siya karapat-dapat sa paningin ng maraming tao pero dahil sa tawag ng Diyos, siya’y naging hinirang ng Diyos. Kaya nga hindi yung kasalanan, hindi yung kagalingan ni Mateo, pero yung pagtawag ang masasabi nating naging daan para si Mateo ay maging karapat-dapat.

Yung pangalawa na ginamit niya sa kanyang pagbabalik loob sa kanyang pagbabago, ginamit niya lahat ng kanyang talino, talento, lahat ng kanyang oras para paipahayag niya ang Mabuting Balita, kaya nga yung pangalawang masabi natin larawan, ipinakita dito yung siya’y nagsusulat na ibig sabihin, iniwan ni Mateo ang kanyang masalimuot na buhay at dito nakita niya ang liwanag sa kanyang Mateo ng Mabuting Balita. Maraming mga historians na sinabing kung saan-saanng lugar nagpunta si Mateo, labinglimag taon siyang nangaral na sa kanyang pagsusulat at marami ring sulat o sulat na kapangalan sa kanya pero, makita natin si Mateo sa kanyang pagbabago, ginamit niya ang lahat para maipahayag ang Mabuting Balita. Talino, kanyang kagalingan para sa paglilingkod sa Diyos.

At sa bandang huli, makita natin si Mateo buong buhay na ibinigay niya ang kanyang sarili para sa Diyos, kaya nga makita natin from darkness naging maliwanag ang buhay ni Mateo at dito ipinapakita na lahat tayo puwede ring katulad ni Mateo, hindi tayo karapat-dapat pero dahil tinatawag tayong maging mabuting Kristiyano, tayo’y magiging karaptdapat sa pagtugon natin, sa pagbibigay natin sa ating sarili para sa Diyos.

Si Mateo, simbulo ng pagbabago, si Mateo, simbulo ng pagsunod at si Mateo, simbulo rin ng pag-aalay ng lahat para sa Diyos. Amen.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s