Holy Mass for the Memorial of Saints Andrew Kim Tae-gŏn, Priest, and Paul Chŏng Ha-sang, and Companions
Homily by Fr. Benny de Guzman
Quiapo Church, 20 September 2019
Mga Kapatid, ilan sa inyo ngayong gabing ito na naririto na kapag humahawak tayo ng pera ay nakakaisip tayo na magsubi, may pinagkaloob na biyaya ang Diyos meron ba kayong kasama sa inyong pagmamalay na “kailangan kong magsubi at ito ay iniaalay ko sa pagtawag ng Diyos sa akin sa mga pangagailangan ng mga taong dapat tulungan.”
Sa isang Kristiyano pong Katoliko na kapag kinilala niya na ang tinatanggap niyang mga biyaya, lalo na yung binibiyayaan ng Panginoon ng maraming kabuhayan ay hindi po dapat mawaglit sa kanyang pagmamalay at isipan at ang turo ng Mahal na Poong Hesus Nazareno ng aking tinatanggap ay una sa lahat nagmula sa Diyos kahit pang sabihin ninyong meron kayong magandang negosyo, meron kayong malaking kita o pinagsisikapan ninyong umunland ang buhay pinansyal ninyo pero pangunahing tungkulin po ng isang Katolikong tumatanggap ng biyaya mula sa Diyos ay magsubi, hindi pinagsobrahan, hindi sobra-sobra kundi ang pagsusubi ibinabawas mula sa aking sarili ang salaping ito upang may magandang patunguhan.
Ano ba ang ibig sabihin ng ‘magandang patunguhan’ bilang isang nanalig sa Diyos na ang lahat ng aking tinatanggap ay nagmumula sa Diyos at ang kanyang kaisipan ay punong-puno ng utang na loob sa Diyos at pagpapasalamat sa biyaya na handog ng Diyos. Hindi naman halos lahat ay mayroong mga ganoon, kung hindi may pinagkakatiwalaan ang Diyos na umunlad ang kanyang kabuhayan upang ang layunin ng kanyang mga natatanggap mula sa Diyos ay may maitulong siya bilang pagmamalasakit sa kapwa. Kagaya po ng aking isang naglilingkod po, nag-birthday po siya sabi niya “Father, hindi ko ginasta iyan sa sarili ko” so nagpakain siya ng hundred pediacancer na nag-uundergo ng Chemo kahapon, dahil pag nag-Chemo, tuyo ang lalamunan, ito po’y mga batang may Cancer, na may taning. So maligaya sa puso na ang perang iyon na sinubi niya tiniis niyang hindi niya ito gagamitin para sa kanyang sarili at inilaan niya para sa Poong Hesus Nazareno at nakapagdulot ng ligaya sa mga bata.
So kung ang pera ninyo, huwag kayong maghintay ng Pasko na kung kailan na magpapasko ay doon tayo -pero sinasabi po ang lahat ng tinatanggap nating kabuhayan ay kailangan may maibahagi tayo sa ating paglilingkod bilang pananalig sa Diyos, isusubi ko ito bilang aking pagaalay, paghahandog sa Diyos sa lahat na mga biyaya na aking tinatanggap. Ibig sabihin kapag humahawak kayo ng pera, iniisip niyo “salamat po Panginoon, magsasantabi ako para sa iyo at anuman ang inspirasyon ng Espiritu Santo na amgamit ang perang ito ay maidulot ko bilang paglilingkod ko sa Diyos sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa.” Kaya hindi po tayo kumikita ng salapi para sa ating sarili, tandaan po ninyo iyan, wala tayong dala, ang Diyos ang nagkakaloob na ito.
Pero kung ang isang tao ay sugapa sa pera, sakim, suwapang at ang kanyang layunin ay magpadami ng pera at walang ni kapirasong pagmamalay na ang mga perang ito’y dapat kong i-share sa mga taong wala, sa mga taong nangangailangan na hindi tayong pwedeng o hindi na kailangang makilala pag tumutulong, ikaw at ang Diyos, ang Diyos at ikaw. Anumang intensyon ng inyong pagtanggap sa panananalapi ay mayroong kayong naibabahagi, hindi mo kailangang maging mayaman para tumulong sa kapwa tanadaan po ninyo, lahat ng anumang natatanggap natin ay mahalga sa mata ng Diyos, nag-iipon tayo ng mga makalangit na biyaya sa pamamagitan po ng mga bagay na ito ng pananalapi na iginagamit natin para sa paglilingkod sa Panginoon.
Binanggit po sa ting Ebanghelyo, ang gagaling po, sabi po: ang ilang babae ay kasama nila, binanggit po ang pangalan, “si Maria na tinatawag na Magdalena. si Juanang asawa ni Cusa na katiwala ni Herodes; si Susana at marami pang iba.” Samakatuwid maraming sumunod sa Panginoon na ang kanilang ari-arian ay itinutustos sa pangangailangan ng ating na Poong Hesus Nazareno at ng kanyang mga alagad. Hindi po natin dapat sabihin, panghinayangan ang lahat ng itinutulong natin sa paglilingkjod sa pamamagitan ng pananalapi sa Simbahan, hindi po natin dapat panghinayangan na kayo’y mawawalan kung tayo po’y tutulong sa kapwa sa halip ang katotohanan ang Diyos ang magkakaloob at dadagdagan pa, pero kung kuripot ka at may panunumbat ka, goodbye ka na, maghihikaos ka. Pero kung naguumapaw sa iyong puso ang kaligayahan na ang lahat ay galing sa Diyos hindi ako magdadalawang isip “o sige, bahala ang Diyos. Siya ang magbibigay nito sa akin.” Hindi ko aalintanain na hindi ako makagamit ng perang ito para lang sa isang naghihingalo o mayroong isang emergency o may manghihiram ng pera sa inyo pero sabihin “ibabalik mo iyan, 5-6 iyan” ayan yung mga nag 5-6 dito tutubuan kayo ng mga bukol sa katawan, sisingilin kayo kasi bawal iyan sa Simbahan, bawal iyan sa turo ng Simbahang Katoliko ang nag 5-6, hindi niyo dapat patubuan ang perang galing sa Diyos. May kilala po ako, 5 years nakahiga sa kama, nagnanaknak ang buong katawan sana napatawad siya at humingi siya ng tawad sa Diyos, naging malupit siya sa pag-5-6, kaawaan ng Diyos ang mga nag 5-6.
Kaya kung mayroon po dito ngayong gabing ito na tumutugon tayo sa tawag ng Diyos na ang pananalaping ito ay hindi lamang para sa aking sarili, kaya makikita ninyo sa mga grocery “tulong po para sa mga batang nangangailangan ng Liver transplant, tulong po para mabuhay ang mga batang may diperensya sa kidney” so barya-barya singko, isang pera, beinte singko, ang sinasabi po sa atin ng Diyos ang pananalaping iyan ay may tungkulin maglingkod, hindi para sa asarili kundi para sa paghahain at pag-aalay ng paglilingkod sa Diyos at hindi sa makasariling pagnanais na siya ay mag-enjoy sa perang ito, magbahagi, magkaroon ng karansan ng malalim at matinding kaligayahan na kayo ay tumutulong. Ang Diyos at ikaw, ikaw at ang Diyos ang nakakaalam nito. Kaya’t sinasabi sa Salmo Responsoryo hindi niyo maidadala ang perang iyan sa inyong libingan, hindi niyo maibabaon sa inyong ataul ang inyong mga alahas, pag-aawayan iyan, pagdedemandahan iyan ng inyong mga anak ang mga ari-arian na iyan kaya’t sinasabi po, ipinagkakaloob ng Diyos ito sa inyo umuunland ang buhay ninyo pero may tungkulin, na ang pananalaping ito, ng kayaman na tinaggap niyo sa Diyos ay maging isang pag-aalay ng paglilingkod ng pag-ibig.
Kaya ngayong gabing ito dasalin natin, ilan sa atin kahit katiting ang inyong suweldo ay nakapagsubi kayo. Alam niyo ang subi, tagalog ito, mayroon kayong itinatabi ito’y para sa taong lalapit sa akin, ilalapit ng Diyos sa akin, ituturo ng Diyos sa akin upang tulungan ko, gagawin po ng Diyos iyan, ipapakilala ng Diyos ang kanyang sarili kapag kayo po ay naroroon sa isang ‘level up’ ibig sabihin hindi kayo nahihirati sa salapi, hindi kayo nahihibang sa salapi, hindi niyo sinasamba ang salapi, sa halip ang salaping ibinibigay ng Diyos sa atin ay isang mabisang kasangkapan upang mabuo ang kanyang kaharian.
Kaya mga kapatid, mamayang gabi magtanong tayo “saan napupunta yung suweldo ko? Saan ko kinikilala ang mga tinatanggap kong ito? Anong gagwin ko dito oras na ako ay matsugi” anytime mamatay tayo, bukas anong gagawin niyo, nakatulong ba ito bilang paglilingkod ng pag-ibig sa ting Diyos na nagnanais na tayong lahat ay magmarka ng pagmamalasakit sa kawpa, pag-ibig pag tumulong at magbigay ng buhay para sa iba, magbigay ng isang pinakamalalim na tanda na ang Poong Hesus Nazareno ay buhay sa king puso sa mga buyayang aking tinatanggap hindo ko tatanggihan na ang mga pananalaping ito, kabuhayan na kaloob ng Diyos sa akin ay ipagdamot ko, tandaan po niyo iyan. Ipagdadamot ng Diyos ang kaharian niya sa inyo.
Kaya mga kapatid -o yung mga mandurukot dito na mayroong na nanamang nagreklamo, huwag niyo na gawing itong hanapbuhay ang pagdudukot dito sa mga nagsisimba, may mga nag-complain pati dito hindi pinapatos ninyo, huwag kayong dito gumawa, inaanounce ito ni Fr. Douglas (Badong) inanounce ko na po ito noon Huwag po kayong maghanapbuhay na hindi ninyo pinagpaguran, mga mandurukot kung kayo po ay naririto po ngayong gabi magbalik-loob kayo sa Diyos, magtrabaho kayo, buhayin ninyo ang inyong sarili sa pagsisikap na makilala ninyo ang Diyos at hindi kayo nangpeperwisyo ng mga taong nananalangin pag-uwi, paglabas wala na ang pitaka nila, wala na ang laman ng loob ng bag nila, ipagdadasal ko po kayo mamaya pagkataas ko ng katawan ng Panginoon, sikatan kayo ng liwanag upang mawala ang kadilimang umaalipin sa inyo.