Holy Mass for the 24th Thursday in Ordinary Time (Year C)
Homily by Fr. Douglas Badong
Quiapo Church, 19 September 2019
Isang magandang umaga po sa inyong lahat.
Maganda po na sa ating kuwento sa Ebanghelyo na tungkol sa pagpapatawad, maganda rin na ilagay natin yung ating mga sarili dito sa katuhan unang-una ni Simon, kasi sabi po sabi ni Kristo “Simon, may sasabihin ako sa iyo” maganda ang approach ni Hesus na gusto niya taying makausap na para bang pag sinasabing “Simon, may sasabihin ako sa iyo, mag-usap tayo” puso sa puso. Kasi kapag sinabing mag-usap tayo, meron akong sasabihin sa iyo na mahalaga na nawa yung atensyon mo ay ibigay mo, yung pagiisip, puso mo ibigay mo kasi itong sasabihin ko ay napakahalaga na siyang sinasabi din sa atin ni Kristo “may sasabihin ako sa iyo” ano kaya iyon?
Eh kung tayo, haharapin tayo ni Kristo ang dami natin dito at kung sasabihin ni Kristo “may sasabihin ako sa iyo” kasi di ba ang sabi dito iniisip pa lang ni Simon, kasi si Simon nag-imbita kay Kristo, bakit ba niya inimbitahan si Kristo? Eh di ba kasi sikat si Kristo, kilala sa lipunan, so dahil nainvite niya -di ba minsan tayo pag may iniinvite tao na mahalagang tao, kilala sa lipunan, artista man iyan o pulitiko man iyan, o kung sinumang kilala sa lipunan di ba ang tingin sa iyo ng mga tao “wow!” kasi magmamalaki ka eh at hahangaan ka, biruin mo naimbitahan mo siya sa dami ng ginagawa niya, sa sobrang sikat niya naimbitahan mo, ang galing mo, di ba ganon po ang nagiging sitwasyon.
Kaya ang motivation marahil ni Simon ay para sa kanyang sarili, para makita ng mga tao na ganon siya kahalaga, ganon siya kaimportante. Kaya nag-isip si Simon kung talagang propeta ito, makikilala niya kung sino itong babae na ito, isang makasalanan. Pag hindi inimbitihan ni Simon si Kristo dahil naramdaman niya na si Kristo ay may kakayahan o si Kristo ay Diyos na kayang magpatawad ng kasalanan, hindi niya nakita ang kanyang sarili na nangangailangan ng pagpapatawad kaya ganon na lang ang panghuhusga niya na ang babaeng ito, makasalanan. Kaya ang sabi ni Kristo “mag-usap tayo Simon.”
Marahil, isa sa -kung dito po sa kontekstong ito, hindi -kasi itong pagsisimba natin, itong ginagawa natin, hindi naman ito kailangan ni Kristo, tayo ang may kailangan nito kasi kailangan natin ng Diyos, malinaw po ba? Tayo, kasi ikaw ang pumili ng oras gusto mo 7am, gusto mo araw-araw, ikaw ang nagtatakda kasi masaya ka kapag ginagawa mo ito, sana masaya ka pero hindi sinasabing hindi natin dapat itong gawin, pero hindi iyan yung higit na kailangan ng Diyos o ni Kristo at hindi iyan ang tinitignan lang ni Kristo. Kasi ang alam niyo, kung pupunta tayo dito ang nagpapasaya kay Kristo sa effort natin ay yung tayo ay umaamin na nagkasala at huminhingi tayo ng tawad, iyun ang nagpapasaya kay Kristo. Masaya siguro si Kristo na naibibigay niya ang pagpapatawad na kailangan natin, para bang – halimbawa lang, para bang pag pupunta ka dito, bakit ka pupunta? Parang ang tanong ni Kristo “bakit ka nandidito” pahingi po ng pera, pahingi po ng trabaho, pahingi naman po ng kaligayahan, pahingi naman po ng pang-solve sa probelema, puro doon, pero yung taos-puso na pagsisisi, nasaan ba tayo sa area na iyan? nandito ba tayo kasi ang alam natin may ginawa tayong kasalanan at kailangan nating humingi ulit ng tawad sa kanya o nandito tayo para lang “nagsimba ako, oh malalaman na naman ng mga sa opisina ‘saan ka galing?’ sa Quiapo nagsimba ‘wow!’” pero baka wala tayong napala.
Iyun ang pinakamahalaga marahil na gustong ipa-alala sa atin dito, huwag mong kalimutan at ito yung pinakamahalaga na ibinibigay ni Kristo sa atin, pagpapatawad pero ang pagpapatawad, ibinibigay sa taong humihingi ng tawad at ang tawad hinihingi ng taong umaamin na siya ay nagkasala. Pag umamin tayo na nagkasala, humingi tayo ng kapatawaran, deserve mo rin na matanggap ito mula kay Kristo. Amen.