Thanksgiving Mass for the 31st Anniversary of the Priestly Ordination of Msgr. Hernando Coronel
Homily by Msgr. Hernando Coronel, Rector & Parish Priest
Quiapo Church, 17 September 2019
Nawa lagi tayong pagpalain, biyayaan, bendisyunan at pagkalooban ng maraming grasya, maraming grasya, maraming grasya ng ating Poong Hesus Nazareno.
Hindi po ako naghanda para sa isang malakihang selebrasyon, bagama’t ako po’y nasorpresa ng inyong presensya, ang inihanda ko lamang ay isang pagninilay batay sa ating Ebanghelyo ayon kay San Lukas, ang ating Poong Senor, siya ang nagbigay sa atin ng buhay, ang kapangyarihan niya bilang Diyos, kahit patay ay binuhay niya. Itong Ebanghelyo, ito ay muling binuhay ang isang anak ng balo na sa lungsod ng Nain, hindi po tayo – bagama’t itong himalang ito ay muli niyang binuhay ang isang patay, hindi gaanong ito isang kuwentong talagang pumupukaw sa atin, may iba pang pagkakataon katulad ng matalik niyang kaibigang si Lazaro, patay, muling binuhay, at ang malakas na boses ni Hesus. Kaya lang ito, kasi yung magkapatid na babae si Marta at si Maria at siguro yung mga ilang nandoon ay pumunta doon sa libing, sa kuweba, yun lamang ang medyo nakasaksi at sa kapangyarihan niya “Lazaro! Lumabas ka!” Ito, alam natin ito.
Ang isa pa’y yung dalagang anak ni Jairus, pamilyar tayo kasi ang ginamit na kataga dito ay yung orihinal na lengwahe noong panahon ng Aramico: “Talitha Kumi!” kasi nalungkot na, kasi medyo nahuli si Hesus, namatay na, sabi niya sa mga tao “hindi, natutulog ang dalaga, hindi namatay ang dalaga, natutulog lamang.” Kaya sinabi niya sa dalaga, hinawakan ang kamay “Talitha Kumi!” isang malambing “iha, bumangon ka” at ito ang mga pagkakataong binuhay ang patay.
Sa ating Ebanghelyo mga kapatid, iba ang kontexto, ito po ay si Hesus, maraming maraming tao ito. Doon sa anak ni Jairus, ika nga sa lamay mga iilan doon, mga kamag-anak, nandon lang sila pero ito sinabi dito na si Hesus ay pumupunta sa bawat bayan ito’y Nain, kasama niya ang mga alagad at mga napakaraming tao, maraming tao, at pagpasok niya, ito yung gate may arco “Welcome to Nain” at tamang-tama doon may libing at may libinga’y may mga nakikiramay papuntang sementeryo. Si Hesus kaagad niyang nalaman ang naiwan ay isang balo at ang kanyang tanging anak ay namatay, dito natin matutununan ang pag-ibig, pagkalinga, kabutihang loob ng ating Panginoong Hesukristo. Ito ay binuhay niya, lumapit siya, ewan ko napakadaming tao, lumapit siya eh patay iyon “binata, bumangon ka” at yung binata naman ay patayo na nakahiga, nagising at doon sa parang kama ay umupo siya siguro ay tumingin sa mga tao at nagsalita at ang ginawa niya ay – kaya nga nahabag siya sa balo “nanay, ito po ang inyong anak” binigyan niya ng pag-asa ang nanay, mahirap kasi yung babae, ngayon ay may kasama na siya sa buha, ito ang puso ni Hesus. Iyan ang kontexto sa Israel, kung gagawin dito iyan ay kung mayroong ditong kabaong, kung bubuhayin siya sa gitna ninyo ay baka magtakbuhan kayo, magtawanan kayo, comedy mangyayari sa kontexto natin, yung mga tao dito’y namangha sa takot sa Diyos.
Pasalamatan natin ang kabaitan ng Senor, ito’y ibinabahagi ko na, sasabin natin ay ito’y yung panahon ng Bibliya, may mga kapatid po ako, mga kaibigan noong dati nasorpresa sa presensya nila, ito yung mundo ko dito sa Quiapo. Ang salita ni Hesus, nagkakatotoo sa komunidad na ito. Isang kuwento naibahagi ko na sa kanila; may isang pinuno ng Balangay, isang lola. nagkataon yung nanlibre sa swimming ang baranggay captain, ito anamng apo niya ang pangalan si Anatela Mae, maraming mga bata, makukulit ang mga bat nagswiming, binigyan ng mga abiso, kaya lang pasaway sa katigisan ng ulo ay hindi naman sumusunod. Ang kamalasan na nangyari ay nalunod si Anatela Mae at dinala yung bangkay matigas na, maitim na o pa-asul papuntang maitim at nag-sorry sa lola. Biglang nagdasal si Lola sa Nazareno ng taimtim at habang nagdadasal siya may yumakap sa kanya, ang kanyang apo si Anatela Mae “Lola, lola bakit kayo umiiyak?” itong kuwentong ito at marami pang kuwento na mga milagro ng ating Poong Hesus Nazareno. Totoo ang Bibliya ngunit sa mga kuwento ng mga deboto dito, buhay ang Salita ng Diyos. Yun lang po ang gusto kong ibahagi.
Magpapasalamat po ako sa paglilingkod kong ito, sinabi ko sa doon sa aking Master of Ceremony na iyung kapistahan ng isang Heswita ay ipagdiwang po natin. Sa araw na ito, sapagkat pinalaki po ako ng mga Pranciscano, mayroon po akong mga kasama ditong taga Lourdes school dito po sa Retiro, ito po ay mga Pranciscano ang modelo ang pintakasi ay si San Francisco de Asis, sa kalendaryo ng mga Pranciscano ngayon, ika-17 ng Septyembre ipinagdiriwang ang tinatawag na Stigmata ni San Francisco de Asis, kaming mga taga-Lourdes, meron kaming patch dito (points to the chest) ilang taon nating sinusout iyon di ba? Kamay ni Hesus at kamay ni San Francisco de Asis, ipinagkaloob ni Hesus kay San Francisco de Asis ang kaloob na sugat, si San Francisco ay nakibahagi sa sugat at pahirap ng ating Panginoong Hesukristo.
Kaya ako po’y nagpapasalamat sa araw ng ordinasyon ko po ito, matagal na amtagal na po, maraming dekada na po at isa pa ay bukod sa mga Pranciscano ang nagpalaki at humubog sa akin ay mga Heswita. Ngayong ika-17 ng Septyembre, kapistahan ng isang Heswita, si San Roberto Bellarmino. Pinagninilayan ko po kanina ang nakasulat ng Breviaro, ang Breviaro po ay yung dasalan ng mga Pari, maganda ang pagninilay ni San Roberto Bellarmino “ang Diyos”, ang tawag niya kay, sa ingles kasi ang binasa ko – “Sweet Jesus” – “Katamistamisang Hesus” at paanyaya niya sa mga nagbabasa “tikman ang katamisan ni Hesus” at mula sa kanya ang lahat ng inaasam natin, katotohanan, kaganapan ng kaalaman, pagkakaisa, pagkakabuklod, kagandahan tayo’y naakit sa kagandahan at higit sa lahat ay pag-ibig. Ito ang laging pinapaalala ng Heswitang ito na nasa kanya ang pinaka -sapagkat hinahanap po natin, tayo po’y naakit, minsan ay nakikita natin ito sa mga sanilikha, ngunit itong mga malalim na hinahangad at hinahanap ng ating buong pagkatao ay matatagpuan po natin sa kanya (points to the image of the Black Nazarene), katotohanan, pagkakaisa, kagandahan at pag-big.
Ito lang po mga kapatid, nagpapasalamat ako kay San Francisco de Asis at kay San Roberto Bellarmino, isang Heswita, sa palaging nagpapaalala sa akin kung papaano ako maglingkod sa kawan na ipinagkaloob sa akin
Sa tulong ni Maria at ni San Jose, nawa tayo’y buhayin lagi ng ating Panginoong Hesukristo. Amen.