Quiapo Church 16 September 2019 – 6am Holy Mass Homily

bandicam 2019-09-16 12-31-10-703

Holy Mass for the Memorial of St. Cornelius & St. Cyprian

Homily Msgr. Hernando Coronel, Rector

QUIAPO CHURCH, 16 SEPTEMBER 2019

Umuulan po sa labas, masama ang panahon, kahit na ba hilingin natin sa Panginoon ang biyaya na tuparin ang kanyang kalooban araw-araw. Pagnilayan po natin ngayong araw ang salita ng Diyos para sa araw na ito.

Unang pagbasa – unang Timoteo, hinuhubog ni San Pablo si Timoteo upang maging mabuting pinuno ng komunidad at bawat pinuno ay ipinagdadasal ang mga ipinagkatiwala sa kanya, ang kanyang komunidad maligtas ang bawat kasapi, maligtas ang bawat miyembro ng kanyang kongregasyon, iyan ang trabaho ng isang pinuno na Kristiyano.

Sa atin po, mahalaga po ang ating Ebanghelyo ayon kay San Lukas. Sa Misa po, bago mangomunyon, ito ang sinasabi natin; “Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo, ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.” Saan nakuha iyan? Sa ating Ebanghelyo ayon kay San Lukas… teka lang hanapin ko na muna, ito, sabi ng Romanong kapitan “Hindi ako karapat-dapat na … Ni hindi rin ako karapat-dapat na puntahan ninyo. Ngunit magsalita po lamang kayo ay gagaling na ang aking alipin.”

Itong Romanong kapitang ito, bagama’t siya’y banyaga balita reputasyon na tumutulong siya sa mga Israelita… “Panginoon, nagpagawa pa nga iyan ng Sinagoga para sa atin.” Ilan ang mga taong lumalabas sa kanilang… yung alam lang nila, yung kusang tumutulong doon sa hindi nila kabayan at gagaling na ang aking alipin na bahagi ko na po ito “sinong boss?” na ito kasi ibang pamamaraan ito, mahirap na pamamaraan ito eh magpapakababa siya alipin niya, alipin, ilan sa inyo ang ganong pagmamalasakit sa alipin eh yung iba hindi alam kung anong pangalan eh “Chief! Boss!” hindi mo alam ang pangalan, eh lalo na yung kapakanan niya “basta gawin mo yung trabaho mo, wala akong pakialam sa buhay mo, sakit mo.” Ibang klase po.

Kaya kung bago tao mangomunyon, pagnilayan natin ito, isang tao na nagmamalasakit sa mga taong nasa ilalim niya, bukod sa mga hindi niya kabansa ay tumutulong. Isa pa, mapagkumbaba, marami sa atin mayabang, may asta, gusto ng pusisyon, mangibabaw, porma, kala kung sino, siya yung pinakamagaling sa lahat. Bukod itong Romanong Kapitan ay nangangalaga sa mga nasa ilalim niya, alam niya na may mga taong mas mataas kaysa sa kanya. Kapitan nga siya, may rango pero ako po may mga nasa ilalim ko mayroong din mga nasa taas ko, bihira po yung ganyang taong hindi mayabang, alam ang lugar niya, may mga taong mas magaling sa akin, eh yung mga taong mas magaling tinutulungan ko at kilala niya si Hesus. Hentil siya, hentil pero naghahanap siya ng tagapagligtas, siya rin ay naghahanap alam niya yung kasaysayan ng bayan, naghahanap sila ng Mesiyas at siya mismo ay nakatuklas sapagkat “ayoko po kaying magpakapagod, ayokong aksayahin ang inyong oras. Tama na po, sabihin niyo lang yung salita niyo tama na iyon. Okay na sa akin iyon, okay na” eh yung iba sa atin ibinigay mo na yung kamay, yung buong braso pa kinuha yung buong braso, kukunin pa yung buong katawan, aabusuhin ka pa… “oh sige, take advantage.” Baka wala na tayong ganitong oportunidad. Itong kapitang ito “okay na po tama na yung salita niyo” at sa salita ni Hesus ay gumaling na.

O sige na po, pagnilayan natin iyan. Sana po yung mga katangiang ito ay matularan natin. Sa tulong ni Maria, ni San Jose at ni San Cornelio at San Cipriano, mga Santo sa mga araw na ito.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s