Holy Mass for the 24th Sunday in Ordinary Time (Year C)
Homily by Fr. Douglas Badong
Quiapo Church, 15 September 2019
Isang magandang umaga po sa inyong lahat, palakpakan po natin ang Poong Hesus Nazareno.
[applause]
Sabihin niyo nga po sa katabi ninyo; “Hinahanap ka ng Nazareno”. Kasi parang Nandito ka ano? “Father, nandito naman ako eh” hindi ko alam pero hinahanap tayo ng Nazareno. Ano ba, papakita ka ba o ano? kasi maganda po na sa Linggo na ito, ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon ay narinig natin at naunawain natin kung gaano kabuti ang Poong Hesus Nazareno at tayo’y hindi niya tinitigilang hanapin, hindi siya sumusuko at hindi siya nawawalan ng pag-asa na makita ang bawat isa sa atin.
O, sabihin niyo nga sa katabi niyo: “magpakita ka na” sige nga, mahirap hanapin ang taong ayaw magpakita o ayaw magpahanap. Ulitin ko, napakabuti ng Diyos, ang kanyang pagpapatawad ay laging handang ibigay sa atin. Kung sa lenguahe nga natin ‘exaggerated’ na kung magpatawad ang Diyos kase lahat anumang kasalanan ay nagawa natin, handang-handa niyang patawarin ito, ang hindi lang kayang patawarin ay yung kasalanang hindi natin inaamin.
Ano ba ang nangyayari kapag nagkakasala ang isang tao ha? parang ano bang ginagawa natin kapag nagkakasala tayo? O sabihin niyo nga sa katabi ninyo: “makinig ka muna” huy, makinig muna, malinaw po ba? di ba? kung gagawa tayo ng kasalanan o nakakagawa tayo ng kasalanan di ba lumalayo tayo? di ba? lumalayo tayo, ayaw natin na makita tayo, lumilipat tayo pumupunta tayo sa ibang lugar. Nagtagago tayo, ayaw natin makita iyan, tama ba? pumalakpak nga ang nakaka-relate
[applause]
eh yung sa iba hindi ko alam papaano kung bulgaran ba na nandiyan mismo sa harap mo gagawa ka ng kaslanan, hindi ko alam. Pero sa karanasan ko, nagtatago eh, nagtatago tayo at iyun ang nangyayari kaya nga dahil nagtago tayo, dahil lumayo tayo at ang kasalanan dahil nakakagawa tayo ng kasalanan, anong nangyayari, nagkakasira ang relasyon natin kasi may iniiwan tayo, may tinatalikuran tayo. naintindihan ba? okay.
so babalik ko pero dahil napakalaki ng habag at awa ng Diyos, kaya nagpapadala siya ng mga mamamagitan sa atin para tayo tulungang makabalik, tignan niyo po sa unang pagbasa sa aklat ng Exodo ang sabi po diyan nagagalit na ang Diyos sa mg a Israelita at dahil sa galit niya sabi niya ‘pupuksain ko na sila, papatayin ko na sila’ salamat sa pakiusap ni Moises ang sabi ni Moises ‘huwag po Panginoon, huwag po ninyo silang puksain dahil sa inyong galit, isipin mo na lang yung pangako mo kina Abraham, Isaac at Jacob’ nagkasala sila pero may namamagitan upang ipakiusap na huwag silang parusahan. na magandang makita natin sa Ebanghelyho, sabi ng mga tao ‘bakit nakikisalo iyan?’ namagitan si Kristo para sa mga makasalanan. Nagbigay pa ng talinhaga, kapag may nawalang isa, hahanapoin niya hahanapin niya ang 99 bubuksan ang buong ilaw makita lang ang isang nawawala. Ganon kahalaga tayo sa Diyos.
Sabihin niyo nga sa katabi niyo: ‘mahalaga ka sa Diyos.’ Kaya hindi mo pupwedeng at hindi ka pwedeng manatili sa pag-iisip na ‘hindi ako mahal ng Diyos, hindi ako patatawarin ng Diyos, hindi na akong magbago’ mali! kasi ultimo kahit isa lang di ba nga sabi nga natin, hindi naman tayo paramihan sa loob ng Simbahan kung titignan natin balewala sa Diyos itong punong-punong ito ng Simbahan kung hindi naman nagsisisi. Balewala sa Diyos yung puno nga ang Simbahan pero ang bawat isa ay nag-aaway, bawat isa’y nagsisiraan, bawat isa naghihilaan, balewala sa kanya ang kailangan niya at ang hinahanap niya yung iisa na nagkasala pero nagsisisi at gusting tumalikod sa kasalanan.
Kung ikaw ay nakikiapid, nakikisama, sa hindi mo asawa, hinahanap ka ng Diyos. Kung ikaw patuloy ka sa bisyo mo, sa droga, sa pagsusugal, sa anumang bisyo, hinahanap ka ng Diyos. Kung ikaw ay pusher, hinahanap ka ng Diyos. Ikaw ay abortionist – nagpalaglag, hinahanap ka ng Diyos. Kung ikaw ay snatcher, hinahanap ka ng pulis nandiyan sa (laughs) kasi naman eh bakit kasi nangiisnatch sa loob ng Simbahan, nagdadasal ang katabi niyo iisnatchan niyo, oh mamaya may magrereport na naman sa amin o kaya diyan sa pulis, nadukutan, nagdasal lang, nadukutan pero kahit magnanakaw, yung magnana- hinahanap ng Diyos. Ipinagtatanggol tayo ni Kristo.
Biro mo, napakabait ng Diyos para ipagtanggol ka para siya mismo mamagitan sa atin sa Ama may kasalanan tayo, nagkasala tayo. O sabihin niyo nga ‘nagkakasala ako’ yung iba kasi mababait na pero yung kahhit ako pong Pari, nagkakasala ako. At salamat kasi nga sabi ko nga ‘napakabait ng Poong Hesus Nazareno’ para mamagitan sa aking pagkakasala. Kaya nga di ba tayo hindi tayo pumapayag sa death penalty, hindi tayo pumapayag sadivorce, hindi tayo pumapayag sa abortion kasi anniniwala tayo na mababago pa tayo, mababago pa. Ang hindi mababago talaga yung ang tingin sa sarili mabait na, yung ang tingin sa sarili hindi na nagkakasala, yun ang mahirap baguhin at doon tayo mas nagiging kritikal.
Kaya’t tignan niyo sa ikalawang pagbasa, yung karanasan mismo ni San Pablo, si San Pablo mamamatay tao, taga-usig ng mga Kristiyano, kahit si Kristo sinisiraan niya. Pero nung naramdaman niya yung pagpapatawad, pagmamahal mismo ni Kristo nabago, di ba, nabago, kaya ngayon itong karanasan niyang pagpapatawad, siya ngayong itinuturo niya sa mga tao, isinulat pa niya para maiparating sa lahat na makakabasa, makakarinig ng kanya mismong karanasan.
Kaya nga tayo ba, ikaw ba, naranasan mo ba ang pagpapatawad ng Diyos? o kaya naman, tinatanggap mo ba na pinatawad ka ng Diyos? kasi kung ganon kung tatanggapin mo ito, ikaw din mismo ngayon magiging tagapamagitan na ng mga taong ang tingin sa sarili ‘hindi na ako mapapatawad ng Diyos, walang kapatawaran’ ang pakinggan mo si Kristo. Kasi kung ang mundo, ang mga tao ang pakikinggan natin ang sasabihin ng mga tao; bakit mo pa pagaaksayahan iyang isang iyan, mayroon ka pang ibang anak, may lima, apat. Bakit mo pa tatanggapin iyang na gustong maglinkod dito, marami namang gusting maglingkod, huwag na iyan, tanggalin mo na iyan! Di ba ganon ang mentality natin, yung sa mga talinhaga, kahit isa hahanapin ng Diyos, ang tao ang tingin diyan ‘hmm isa lang naman iyan eh, pwede namang mawala sa mundo iyan isa lang naman iyan eh, pwede nang maalis iyan, isa lang eh!’ pero yung tinataboy natin yun pala yung mas hinahanap ng Diyos. Hala, hindi kayo hinahanap.
Pero di ba, eh baka lang, baka sa buhay natin parang bahala saiya sa buhay niya. O teka nakalimutan mo ba, dati nawawala ka rin eh, nagwawala ka nga dati pero hinanap ka ng Diyos kaya ka nandito, huwag mong kalimutan iyan. Hinanap tayo at patuloy tayong hinahanap ng Poong Hesus Nazareno dahil mahal niya tayo. Kung tayo man ay nagsisisi, ito yung sa huling bahagi, masaya ang langit na nandidito ka, kasama nating nagdiriwang, masaya sila doon sa langit. Sana ikaw din, masaya na nandidito at nakikita ninyo ang bawat isa. Nalulungkot tayo kasi nalulungkot ang Nazareno dahil marami pa taying kapatid ang ayaw pang magpakita.